^

PSN Showbiz

Isiningit lang kasi, Maine nagmukhang hindi phenomenal star sa serye ni Ryzza Mae

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahit hindi naman taga-Laguna si Regine Velasquez, kaagad na napapayag itong mag-concert sa Biñan, Laguna para sa project ng Biñan Mayor Len Alonte na Unlad Biñan Foundation.          

Sa December 6 na gaganapin sa Alonte Sports Arena ang naturang concert na pina-promote pa nga niya sa presscon noong nakaraang Regine at The Theater concert niya.

Sa naturang presscon ay binanggit na rin ni Regine na may pinaghahandaan silang Valentine concert at maganda raw ang line-up pero hindi pa raw puwedeng banggitin.

Pero may ipinost si Angeline Quinto sa kanyang Instagram account na kasama niya sina Martin Nievera, Regine, at Erik Santos na may caption na “soon!” Ito na nga kaya ang Valentine concert nila na gaganapin daw sa SM MOA Arena?

PAK: Agree kami sa mga nagkokomentong ‘di na raw dapat isinama si Maine Mendoza o Yaya Dub sa Princess in the Palace.

Inaasahang makakahatak pataas si Maine sa daytime drama series ng GMA 7, kaya binigyan ito ng role sa naturang serye. Pero parang hindi magandang career move ito sa kanya.

Sana ni-reserve na muna siya sa mas maganda at malaking project na siya na ang bida. Sana nagamit na ang pagiging phenomenal star nito mula sa phenomenal loveteam nila ni Alden Richards.

Nasilip namin siya sa Princess kahapon at parang nagmukha lang siyang “one those stars”.

Ginampanan ni Maine ang role ng isang chef sa palasyo ng presidente, at may potential talaga siya dahil marunong siyang umarte. Pero ‘yung basta na lang isiningit sa naturang serye, parang hindi yata tama.

Paano kung hindi naman ito pumalo sa ratings? Si Yaya Dub tuloy ang mapupuna rito.

BOOM: Hindi masasabi ni Marian Rivera kung kailan siya babalik sa trabaho dahil mas naka-focus siya ngayon sa Baby Zia niya.

Sabi nga niya nang ma-interview ito ni AiAi delas Alas sa Sunday PinaSaya nung kamakalawa ng hapon; “Kapag tinititigan ko ang anak ko, wow thank you Lord, binigyan Niyo ako ng napakasayang biyaya na walang kapantay talaga.”

Hindi pa rin nila maipakita ang hitsura ng baby, dahil sabi nga ni Dingdong Dantes, sa tamang panahon nila ipakikita ang kanilang baby.

Sa ngayon ay ibigay na lang muna sa kanila.

Sabi ng mga nakakita, mas kamukha raw ni Marian, pero sabi naman ng iba, parang hati raw.

Sabi ni Marian, okay lang daw kung kamukha ni Dingdong dahil cute naman ang asawa niya. Pero kung si Dingdong ang tatanungin, mas gusto niyang kamukha ito ni Marian dahil baby girl nga raw ito.

Napatango si Dingdong sabay ngiti nang tanungin namin kung marami na nga bang offer ng commercial para sa kanilang baby. Pero mas gusto naman ni Marian na manatiling private lang ang kanilang baby.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALONTE SPORTS ARENA

ANG

ANGELINE QUINTO

ATILDE

BABY ZIA

DINGDONG DANTES

NBSP

PERO

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with