^

PSN Showbiz

Picture ng anak nina Marian at Dingdong kumakalat na naman!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May kumakalat na naman na baby picture ni Baby Letizia, ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Hindi pa inilalabas ng mag-asawa ang picture ng kanilang panganay kaya hindi dapat patulan o seryosohin ang mga lumilitaw na litrato.

Hintayin na lang natin ang official release ng picture ng bagets ‘no? Huwag madaliin sina Marian at Dingdong dahil alam nila kung kailan ang tamang panahon para ipakita sa publiko ang hitsura ng kanilang anak.

At maawa kayo sa mga inosente at menor de edad na bata na nagagamit sa mga isyu na wala silang kinalaman. Binibigyan dapat ng proteksyon ang mga menor de edad ‘no!

Mga Pinoy malungkot sa naging kapalaran ng 4th Impact

Natsugi na noong Linggo sa The X Factor UK ang 4th Impact, ang Pinay group na gumawa ng ingay sa nasabing contest.

Ikinalungkot ng Pinoy fans ng 4th Impact ang pamamaalam ng Cercado Sisters sa show pero happy na rin sila dahil nagtagal ang grupo sa contest kaya naipakita nila sa buong mundo ang husay sa pagkanta.

Hindi na yata napanood sa live show ng The X Factor UK ang pagkahimatay ni Celina. Pangatlong beses nang nahihimatay si Celina kaya dapat nang magpatingin siya sa doktor. Baka hindi na stress-related ang napapadalas na collapse niya.

Ngayong natsugi na sila sa The X Factor UK, baka makauwi na ng Pilipinas ang magkakapatid na miss na miss na ang sariling bayan. Puwedeng dito na sila mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon dahil sa 2016 pa naman naka-schedule ang X Factor tour na sasalihan nila.

Nahalukay sa baul ang ebidensya, Rap at anak na si Tori para talagang pinagbiyak na bunga

Carbon copy pala talaga ni Rap Fernandez ang anak niya na si Tori.

Nahalungkat ni Rap ang old picture nila ng kanyang tatay na si Rudy Fernandez na ibinahagi niya sa mga kaibigan.

Iisa ang reaksyon ng mga nakakita ng litrato, si Tori ang female version ng panganay nina Rudy at Lorna Tolentino.

Kung nabubuhay si Daboy, sigurado ako na magiliw na magiliw siya sa apo niya kay Rap na napapanood na rin sa The Half Sisters ng GMA 7.

Sen. Tito Sotto mahilig tumulong sa mga kapus-palad na viewer/contestant ng EB

Marami talaga ang mga natutulungan ng Eat Bulaga, lalo na ang mga kababayan natin na kapus-palad.

Katulad kahapon, mabilis na tinulungan ni Senator Tito Sotto ang matandang babae na may kidney illness at kailangan ng dialysis.

Nang mag-alinlangan si lola sa tulong na ibibigay ng Department of Health, nagbiro si Tito Sen na tatanggalan niya ng budget ang DOH kapag hindi nito natulungan ang pasyente. Priceless ang reaksyon ni Vic Sotto nang marinig nito ang nakakalokang komento ni lola.

Isa lamang si lola sa maraming natulungan ng Eat Bulaga. Kusang-loob na nag-aalok ng tulong si Tito Sen sa mga may-sakit na hindi sinasadya na napapanood sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga.

Hindi ko pa nalilimutan ang pagtulong ni Tito Sen sa isang contestant na hindi nabigyan ng karapatang hustisya dahil basta na lamang na-dismiss ang kaso na ipinaglalaban ng mhin.

Nag-alok si Tito Sen ng legal assistance sa mhin na tuwang-tuwa dahil nagkaroon siya ng panibagong pag-asa.

vuukle comment

ANG

BABY LETIZIA

BAGONG TAON

CELINA

CERCADO SISTERS

EAT BULAGA

HINDI

MGA

NBSP

TITO SEN

X FACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with