^

PSN Showbiz

Stage ng From the Top concert ni Sarah super laki, mga gagamiting gown pasabog

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukod sa mga pasabog na production number, kasama rin sa inaabangan sa tuwing magko-concert si Sarah Geronimo ay ang kanyang mga isinusuot na gown.

For her two night concert on December 4 & 5 na From the Top, mga gawa nina Rajo Laurel, Rhett Eala, at Dennis Celestial ang mga gagamitin niyang gowns and other outfits.

Sa sketches pa lang, wagi na ang mga ito. Kilalang maga­ling magdamit si Sarah.

Anyway, isa pang highlight ng concert ay ang super big stage kung saan two stage supplier daw ang gagawa nito. Super huge daw kasi kaya dalawang supplier pa ang kinuha ng Viva Live para itayo sa Smart Araneta Coliseum.

Kaya naman todo rehearsal na si Sarah. Wala na s­iyang tinatanggap na ibang work para maka-concentrate sa From the Top under the musical direction of Louie Ocampo and direction is Paolo Valenciano.

Wala pa ring pangalan ng guest na lumulutang. Kahit nang magtanong ako sa taga-Viva Live ay wala silang idea. Kaya malamang solong-solo ni Sarah ang concert.

Maaalalang sinabi niya sa presscon for the concert weeks ago na #gympamore ang pinagkakaabalahan niya bilang paghahanda sa kanyang concert nga.

Aktres na sikat gusto nang mag-retire sa showbiz

Kung ang iba, kating-kating magka-career, kabaliktaran daw ito sa trip ng isang actress sa kanyang career. Yup, gusto na niyang mag-retire sa showbiz.

Nasa peak ang career ni actress sa kasalukuyan at kung tutuusin ay hindi naman siya apektado sa mga nagsulputang bagong mga loveteam tulad ng JaDine o AlDub. Pero talaga raw gusto na ni aktres ng normal na buhay. ‘Yung tipong nakakapag-abroad at nakakapag-aral siya.

Matagal na raw itong gustong gawin ni actress pero siyempre, pinipigilan siya ng mga taong nasa paligid niya dahil sayang nga naman ang kinikita niya samantalang ang iba, ginagawa ang lahat para magka-career.

Kaya wait daw natin ayon sa isang source kung may isang actess na mawawala sa eksena, ibig sabihin, hindi na siya napigilang mag-voluntarily exit.

                               

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENNIS CELESTIAL

FROM THE TOP

KAYA

LOUIE OCAMPO

MGA

NBSP

PAOLO VALENCIANO

RAJO LAUREL

VIVA LIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with