^

PSN Showbiz

Mga nag-aakusang retokada ang kalendaryo ni Jessy, binuweltahan ng ina!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang mother ni Jessy Mendiola na ang sumagot sa negative reaction ng bashers sa pagiging 2016 Tanduay Calendar Girl ng aktres.

Comment ng bashers, edited at photoshop ang pictures ni Jessy, kaya maganda ang kinalabasan.

Marami pang sinabing hindi maganda ang bashers ni Jessy patungkol sa kanya na nabasa ng mom ng aktres, hindi ito nakatiis at siya na ang nag-react.

Sagot nito sa bashers ng anak at para kay Jessy “Thing is some people are just not happy that they always want to say something to put you down...but thats okay keep working...stay real...be happy...and all. Things will fall  into the right places. BTW...sorry.no photoshop. No retoke that is  what you are. And I am proud of you  keep moving babe theres still lot of things to do! no time for hate life is extremely wonderful for those who know how to love...have faith God is watching.”

Dagdag pa ng mom ni Jessy, alam niya kung photoshop ang isang picture dahil dati siyang creative director ng isang advertising agency. Ang payo nito sa mga nagdududa sa kanyang anak, panoorin si Jessy sa Banana Sundae ng live at sila na ang maghusga.

Patagu-tago pa raw ha hotel nina Dennis at Jennylyn sa Amsterdam, nabuko ng fans!

Magkasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Amsterdam, pero wala silang pino-post na picture na sila’y magkasama. Malalaman lang na magkasama dahil kung pareho ang picture na pino-post nila sa Instagram (IG). Tanong ng fans, bakit hindi ipinaalam ng dalawa na magkasama sila, ha­ters lang naman nila ang kontra na maging sila at maging masaya sila?

At least, si Jennylyn, nag-hashtag ng #ams­terdam, pero si Dennis, ni HT ay walang binanggit kung nasaan sila.

Nakakabilib ang DenJen fans nina Dennis at Jennylyn dahil meron hanggang sa Amsterdam, in-stalk lang ang pictures ng dalawa at nalamang sa Hotel El Europe o De L’ Europe Hotel, isang five-star hotel sila naka-check in.

Habang wala si Jennylyn, lumabas na naman ang isyu na lilipat siya ng ABS-CBN at kahit itinanggi na ito ng aktres, meron pa rin naniniwalang aalis na siya sa GMA 7.

Ruru tikom ang bibig sa isyu ng pagtiwalag ng INC kay Kathryn

Maingat si Ruru Madrid dahil ayaw mag-comment sa isyung itiniwalag daw ng Iglesia Ni Cristo ang kapwa INC member niyang si Kathryn Bernardo dahil endorser sila ni Daniel Padilla ni Mar Roxas.

Pero ang alam ni Ruru, bawal sa kanilang mga INC ang mag-endorse ng kandidato at ititiwalag ang susuway. Ang alam din niya, in-annouce ‘pag may member na ititiwalag, as of Friday, wala pang inihayag ang INC.

Ang sigurado, susunod si Ruru sa INC na bawal mag-endorse ng kandidato at ipinagbabawal din ng GMA 7, kaya hindi siya makikitang mag-i-endorse.

Pinayagan si Ruru na mag-guest sa benefit concert para sa pagpapatayo ng Catholic church sa imbitasyon ni AiAi delas Alas. Nagpaalam siya sa INC   kaya libreng nakapag-guest na karamihan ay Katoliko ang nanood.

Anyway, nahihiya si Ruru sa sinasabing isa siya sa pinakamagaling na batang aktor ng Kapuso network.

Kung totoo, thankful siya na na-a-appreciate ang trabaho niya dahil ‘pag may trabaho siya, gaya dito sa The Half Sisters, ibinubuhos niya lahat ang alam niya sa kanyang mga eksena.

Sa January 8, 2016 pa ang ending ng The Half Sisters.

Valerie pakakasal na sa may-edad na BF na taga-Immigration

‘Katuwa si Valerie Concepcion dahil “Immigration” ang tawag sa kanyang boyfriend na head yata ng Bureau of Immigration.

Saka, hindi nito inamin na nobyo na niya ang lalake, nagde-date pa lang daw sila at matagal siyang nakikipag-date just to be sure.

Malakas lang ang tawa ni Valerie sa reaction ng press people na sa edad ng kanyang BF, kailangan pa nilang mag-date ng matagal. Saka, bakit hawak ni Valerie ang annulment papers ng BF at ex-wife nito kung nasa dating stage pa lang sila?

Samantala, hindi na si Becky Aguila ang ma­nager ni Valerie, si Arnold Vegafria na at unang project na nakuha ni Arnold sa kanya ay ang Because Of You.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARNOLD VEGAFRIA

BANANA SUNDAE

HALF SISTERS

JENNYLYN

JESSY

NBSP

SILA

SIYA

VALERIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with