^

PSN Showbiz

P-Noy basted kay Pia Wurtzbach, foreigner ang pinatos?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Parang na-weirduhan ako sa ating representative sa Miss Universe 2015 na si Ms. Pia Wurtzbach nang mag-guest sa Tonight with Boy Abunda last Friday.

Una, parang wala siya sa sarili. Second, hmmm parang may problema siya sa pagsasalita na nagmamadali at nag-iisip pero hindi mag-express ang kanyang sarili.

Third, over confident siya ha at panghuli, kini-claim na agad niya na mana­nalo siyang Miss Universe.

Wow. Unless binigyan na siya ng assurance na mananalo sa tulong ni Presidente Noynoy Aquino na ibinuko niyang pinadalhan siya ng ‘goodluck’ flowers na inabot sa kanya ng gwardiya ng tinitirhan niyang condo minsang umuwi siyang pagod na pagod at madaling araw na.

Pumayat naman siya at totoong maganda na ang make up niya nung gabing ‘yun, pero ‘yung parang nawawala naman siya sa sarili at sure na sure na winner na siya, aba dapat siguro magpaka-humble muna siya.

Actually hindi lang naman pala ako ang nakapansin sa nasabing interview ni Ms. Pia nang magtanong-tanong ako.

Marami ring naloka sa Fast Talk nila dahil kung anu-anong say niya sa ibang tanong ni Tito Boy Abunda at parang nasa bahay lang ang upo o baka naman nasobrahan lang ng poise ang puwesto niya sa couch.

Pero ang revelation nga pala, meron naman daw siyang lovelife pero hindi si Presidente Noynoy Aquino. Meaning naunahan na naman ang ating presidente. Hahaha.

Hindi niya binanggit pero sa Fast Talk ay parang foreigner ang pinatos niya. Hindi kasi klaro ang banggit niya.

Anyway, ‘powerful’ ang nagpu-push sa paglaban ni Pia sa Miss Universe  2015 kaya i-wish natin siya ng goodluck at sana nga masungkit niya ang korona at maiuwi niya para naman ‘di siya madisillusion.

Marian kinalkal ang mga luxury items, ipinabebenta sa bazaar

Bukod sa pag-aalaga kay Baby Z, mukhang naging abala rin si Marian Rivera-Dantes sa pagkakalkal ng kanyang mga gamit sa cabinet.

Isang online seller ang kinomisyon niya para ibenta ang marami niyang branded na bags, shoes at ilan pang luxury items na naka-display ngayon sa isinasagawang bazaar sa isang sosyal na lugar.

Ang daming luxury items tulad ng mga Channel, Moynat, LV, Balenciaga at marami pang iba.

Ang iba raw ay brand new pa pero marami rin namang preloved. May mga kahon at siguradong minsan lang nagamit ang mga ‘yun.

Kilalang maingat ang Primetime Queen sa kanyang mga gamit at sa sobrang dami, naisip niya sigurong bawasan para makabili na naman siya ng mga bago.

Melanie Marquez pumiyok na sa nangyari kay Alma

Wow si former Miss International Melanie Marquez pa ba ang pahuhuli sa pagre-react sa napaka-kontrobersiyal na interbyu ni Karen Davila kay Alma Moreno na  papalipas na ang ingay.

Dating sister in law ni Melanie si Alma. Kapatid ng ex husband ni Alma na si Joey Marquez si Melanie kaya naman may sarili siyang reaksiyon nang makausap siya ng mga kaibigang sina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz sa kanilang radio show sa DZMM na Mismo noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Melanie, dapat daw talaga ay handa ang isang magpapa-interview kay Karen Davila na isang intellectual. Saka raw ang mga pulitiko dapat naman ay alam ang mga nangyayari sa paligid. Giit pa niya sana ay gayahin siya ng mga hirap mag-English na magtanong pag hindi alam kunwari ang abbreviation. “Ako, ganon naman ako talaga eh, ‘pag di ko alam,” sabi ng dating beauty queen na paboritong bantayan ang pag-e-english!

Pero ang nakakagulat na sinabi niya ay : “Alam ko ang problema ng bansang ‘to. Alam ko kung pano payamanin ang bansang ‘to.” Taob ‘di ba.

Eh kasi nga raw maraming matalinong Pilipino at mayaman din ang ating bansa pero bakit daw tinatawag na Third World Country?

“Ang tagal na nila eh. Kasi pwede naman tayo mawala sa Third World country within five years. Kaya yan. Sa isang termino lang, kayang alisin tayo sa Third World country,” pahayag niya.

Hmmm. Parinig kaya ‘yung sinabi niya na alam na niya ang solusyon sa bansa? Interesado rin kaya siya sa pulitika? Hahaha. Exciting kung kakandidato ring senador si Ms. Melanie.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FAST TALK

KAREN DAVILA

MELANIE

MGA

MISS UNIVERSE

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with