^

PSN Showbiz

Para makaranas ng kasal Kris mas may forever sa foreigner!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi madali ang pag-amin ni Kris Aquino na bitter, KSP at insecure siya.

May katotohanan ang admission ni Kris dahil mahirap arukin na nasa kanya na ang lahat, itinuturing na bayani ang tatay niya pero sawi pa rin siya sa pag-ibig.

Ang hilig-hilig pa naman ni Kris na dumalo sa mga kasal at tinatanggap niya ang mga imbitasyon na maging ninang.

Painful para sa mga kababaihan ang hindi makaranas na magmartsa papunta sa altar. Oo, naranasan na ni Kris na ikasal kay James Yap pero sa sala lang ng bahay ni Boy Abunda.

Naiintindihan ko ang bitterness na nararamdaman ni Kris lalo na kapag dumadalo siya sa mga kasal na nagpapaalala ng kanyang failed relationships and marriage.

Sa tingin ko, foreigner talaga ang bagay na maging next husband ni Kris para maging successful na ang kanyang pakikipagrelasyon at magkaroon na siya ng asawa na pang-forever.

Sen. Grace pinairal ang pagiging magalang kay Mayor Duterte

Representative ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nag-file kahapon ng kanyang certificate of candidacy kaya wala nang makakapigil pa sa pagkandidato niya bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Nagpasaring si Papa Rudy kay Senator Grace Poe nang mag-decide siya na kumandidato pero hindi pinatulan ng anak nina Susan Roces at Fernando Poe, Jr. ang patutsada niya.

Simple lang ang katwiran ni Mama Grace, hindi siya tinuruan ng kanyang mga magulang na sumagot sa mga nakatatanda, isa sa magagandang ugali ng tunay na Pilipino.

Baby Letizia, ‘di pa rin tukoy kung sino ang kamukha

Guest namin ngayong hapon sa CelebriTV si Dingdong Dantes na nagkuwento tungkol sa bagong chapter ng buhay niya bilang ama ni Baby Letizia.

Si Papa Ricky Lo ang natoka na mag-interbyu kahapon kay Dingdong sa set ng Starstruck VI.

Maraming kuwento si Dingdong tungkol sa pagdating ng source of happiness nila ngayon ni Marian Rivera.

Hindi pa ipinapakita ng mag-dyowa sa publiko ang itsura ni Baby Letizia. May mga nagsasabi na kamukha ni Dingdong ang bagets pero sa tingin ng mga naka-sight sa lucky baby, carbon copy ito ng kanyang madir na si Marian.

Malalaman natin ang tumpak na kasagutan kapag ipinakita na nina Marian at Dingdong sa DongYan fans ang kanilang panganay na anak.

Mga bisita rin namin sa CelebriTV sina Gardo Verzosa, Gabby Eigenmann at Ken Chan na mas kilala ngayon bilang si Destiny Rose.

In character si Ken nang umapir ito sa studio ng CelebriTV. Nailang si Papa Joey de Leon kay Ken nang magpaalam ito dahil hindi siya makapaniwala na boses lalake ang magandang transwoman na kaharap niya.

Papasa talaga na tunay na babae si Ken dahil sa kanyang itsura. Kung hindi ko nga alam na lalake siya, mapagkakamalan ko talaga na girl si Ken.

Sa sobrang busy, AiAi nakalimutan nang maglinis ng kuko!

Not feeling well si AiAi delas Alas sa taping ng CelebriTV noong Huwebes.

Medyo hirap sa pagsasalita si AiAi pero sa kabila ng nararamdaman, ang kanyang kuko ang pinoproblema niya. Panay ang tanong ni AiAi sa akin tungkol sa manikurista ko dahil matagal na raw siyang hindi nakakapagpa-manicure.

Hectic na hectic ang schedule ni AiAi dahil sa shooting ng My Bebe Love, ta­ping ng CelebriTV at live show ng Sunday PinaSaya tuwing Linggo. Nadagdagan ang trabaho ni AiAi mula nang makasali siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang Dona Babah, ang Russian na lola ni Alden Richards.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

BABY LETIZIA

BOY ABUNDA

DAVAO CITY MAYOR

LEFT

MGA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with