^

PSN Showbiz

Binyag ni Baby Z sa 2016 na itutuloy!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa isini-share ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang photos sa kanilang IG accounts ng kanilang first born na si Baby Z (Maria Letizia).

Pero ayon na rin mismo kay Dingdong, mas kamukha raw ni Marian si Baby Z kesa sa kanya.

Samantala, balak sana ng mag-asawa na pabinyagan si Baby Z sa araw mismo ng kanilang first wedding anniversary on December 30 sa simbahan na kanilang pinagkasalan, sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City pero ito’y kanilang ipinagpaliban sa buwan ng Ene­ro. Isa ang comedy queen na si AiAi delas Alas sa mga tatayong ninang ng bata habang ang kaibigan at spiritual adviser ng mag-asawa na si Fr. Tito Caluag naman ang mag-o-officiate ng binyag.

Bret itinanggi ang ‘relasyon’ nina James and Julia

Si Bret Jackson na mismo ang nagdepensa sa kanyang ka­ibi­gang si James Reid na wala umanong katotohanan ang balita na nali-link ito sa isa pang Kapamilya star na si Julia Barretto.

Kabisado umano ni Bret ang pagiging shy ni James at pagiging focused nito sa kanyang trabaho.

Alam din niyang the best of friends ang turingan ngayon nina James at kapareha nitong si Nadine Lustre pero ayaw niyang pangunahan na meron na silang espesyal na samahan.

Si Bret ay leading man ng kanyang ex-GF na si Andi Eigenmann sa pelikulang Angela Markado mula sa panulat at direksiyon ni Carlo J. Caparas.

Andi magpa-Pasko kasama ang anak sa bagong biling condo

Sa bagong condo unit na magpa-Pasko at bagong taon ang mag-inang Andi Eigenmann at Ellie na naipundar mismo ng Kapamilya actress.

Gusto na rin kasing subukan ni Andi ang mamuhay independently.

Mga bigating boss sa industriya sinasanay na ang mga anak para pumalit sa kanila

Masuwerte ang Viva’s top honcho na si Boss Vic del Rosario sa kanyang tatlong mga anak na sina Vincent, Veronique, at Valerie dahil katuwang na niya ang mga ito sa kanyang itinatag na mga negosyo.

Kapag nagdesisyon si Boss Vic na magretiro balang araw, tiyak na kaya nang patakbuhin ng kanyang tatlong anak ang kanilang mga negosyo.

Although kaya nang magdesisyon nina Vincent at Veronique on their own para sa respective posts na kanilang hinahawakan sa Viva, kinukuha pa rin nila ang final say at approval ng kanilang ama.

Si Mother Lily Monteverde naman ng Regal Films ay sinasanay na rin ang isa sa kanyang mga anak na si Roselle Monteverde sa pagpu-produce at pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo habang may kani-kanya ring negosyo ang iba pa niyang mga anak kasama na rito si Dondon Monteverde.

Sa apat na anak ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad, mas kasa-kasama niya sa kanyang mga negosyo ang kanyang bunso na si Ca­the­rine Ilacad na siyang franchise owner ng Posh Nails. Katuwang naman ni G. Tony Tuviera ng TAPE, Inc. at APT Entertainment ang kanyang TV-movie director son na si Mike Tuviera sa kanyang mga negosyo.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANDI EIGENMANN

ANG

BABY Z

KANILANG

KANYANG

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with