^

PSN Showbiz

Anak ni Francis M. lumayas sa GMA Elmo Magalona at Janella Salvador susubukan kung uubra sa fans

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ABS-CBN na mapapanood si Elmo Magalona. Kahapon ay pumirma na siya ng kontrata at agad-agad ay may serye na siyang gagawin, ang Born For You. Magiging kapareha niya sa BFY ang Kapamilya young actress na si Janella Salvador.

Walang binanggit si Elmo kung ilang taon ang pinirmahan niyang contract dahil ang nanay daw niyang si Pia Magalona ang nakipag-negotiate.

May kinalaman ang kanyang namayapang ama na si Francis Magalona sa naging decision niya na sumubok naman sa iba pagkatapos ng limang taon na pagta-trabaho sa GMA 7. “Hindi ko naman po iniiwan ‘yung five years na experience ko na binigay sa akin ng GMA. That’s what put me into this one. ‘Yun po ang nag-mold sa akin,” pahayag ng actor kahapon pagkatapos niyang pumirma ng kontrata kung saan binigyan siya ng presscon with Janella.

Nung time daw kasi na nagde-decide sila, biglang napapanood niya ang mga pelikula ng kanyang ama na hindi naman niya sinasadya.

“I feel like si Papa, ‘yung spirit niya, he’s still with me or with our family, so nagpapakita siya or bumibisita siya sa amin. And this month or just last month, parang everytime na nanonood ako ng TV, lagi kong nakikita ‘yung movies niya. Hindi ko sinasadya na panoorin like alam ko ang schedule, pero as in sakto, like when I watch TV, he’s there, mga movies niyang Bagets to Ninja Kids, lahat, I always see him,” sabi niya na parang naalala niya ganun ang papa niya na gustong sumubok sa iba at bagong bagay.

Anyway, kaka-meet lang daw niya kay Janella this week at madali silang nagkasundo dahil sa pareho silang galing sa family of musicians.

Aminado naman siyang pressured siya sa existing love teams ng network pero gusto na raw niyang magtrabaho at ma-challenge.

Kabayang Noli sinermunan sa ere si Coco

Hayy naku, ‘di pala nanonood ng mga teleserye si Kabayang Noli de Castro. Kahit ang FPJ’s Ang Probinsiyano na bida si Coco Martin ay palabas pa naman pagkatapos na pagkatapos ng TV Patrol, hindi niya sinisilip at ang the height ‘di niya alam.

Kahapon ay galit na galit siya sa kanyang morning radio show sa DZMM dahil muntik na raw siyang ma-late at na-stress stress sa sobrang traffic sa kanto sa EDSA and Quezon Avenue noong Miyerkules ng hapon.

Kinailangan pa raw nga niyang tawagan ang boss ng Highway Patrol Group para alamin kung ano ang nangyayari. Pero wala rin naman daw alam.

At nang papuntahan lang niya sa radio reporter ng DZMM nalaman na may shooting nga ang isang teleserye.

Talagang galit si Kabayang Noli dahil sobrang traffic daw.

Kaya kinausap niya on air ang reporter na ini-assign habang nanggagalaiti si Kabayan. Ang bungad ng reporter: “Hay naku.”

Ano bang shooting ‘yan? Tanong ni Kabayan.

“Hay naku, yung nagpasikat ng Hay naku,” sagot ng reporter.

Pero super clueless si Kabayan kung ano ‘yung seryeng tinutukoy ng reporter na kausap niya. Kundi pa binanggit ang pangalan ni Coco Martin hindi pa niya malalaman. Hahaha.

May point naman si Kabayan pero ang nakakaloka sa ere pa nag-sermon.  At least wa siya care kahit sa sariling network nila ang serye at tuloy pa ang pag-sermon at talak niya at pinapagalitan pa ang MMDA chair dahil bakit daw binibigyan ng permit ang shooting eh nakakaabala sa traffic.

Hahaha.  Napatunayan ni Kabayan na wala siyang sinasanto kahit kapamilya pa niya.                                                    

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

COCO MARTIN

KABAYAN

KABAYANG NOLI

LEFT

NBSP

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with