^

PSN Showbiz

Lovi mag-iikot na lang ng ‘Pinas para malimutan si Rocco!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Noong Lunes lang kinunan ang mga eksena ng huling episode ng Beautiful Strangers na matatapos na bukas dahil mag-uumpisa sa Lunes ang Because of You.

Kumalat ang picture nina Rocco Nacino, Lovi Poe, Benjamin Alves, at Heart Evangelista na kuha sa last taping day.

Kahit magkasama sa picture sina Rocco at Lovi, marami ang kumbinsido na may problema sa kanilang relasyon at may bahid ng katotohanan ang mga tsismis na hiwalay na sila.

Dahil tapos na ang taping nila para sa Beautiful Strangers, may oras na sina Lovi at Heart na mag-ikot at ipangampanya ang kandidatura ni Senator Francis “Chiz” Escudero na kumakandidatong bise-presidente ng Pilipinas.

Sure na ang pagsuporta ni Lovi sa candidacy ni Papa Chiz na hindi inoobliga ang misis na si Heart at ang kaibigan nito na ipangampanya siya.

“Kapag umikot man si Heart, malamang ang kasama niya ay isa sa mga matalik niyang kaibigan na kapatid ni Senator Grace (Poe) na si Lovi. Para ‘pag umikot sila ay ‘Poe at Escudero’ pa rin,” ang sey ni Papa Chiz.

Kung totoo man na hiwalay na sina Rocco at Lovi, makakatulong sa dalaga ang pangangampanya para mabawasan ang sadness na nararamdaman niya.

May ugali pa naman si Lovi na kapag nakipaghiwalay, hindi na nakikipagbalikan pa at nangyari ito sa pakikipagrelasyon niya noon kina Jake Cuenca at Ronald Singson.

Malay natin, baka makilala ni Lovi sa pag-iikot niya sa bansa ang kanyang future boyfriend.

Sen. Chiz aminadong walang budget sa TV ad

Wala pang lumalabas na television advertisement si Papa Chiz, kahit halos araw-araw na kung lumabas ang ad ng kanyang mga kalaban sa pagka-bise presidente.

Ang sey ni Papa Chiz, wala pa raw siyang pondo para bumili ng airtime.

Malamang na hindi na rin daw lalabas sa commercial ang kanyang misis na si Heart para i-endorse ang kandidatura niya.

“I don’t think Heart will endorse me on TV. She’s my wife and people know that. I don’t think that she will come out in an ad to endorse me,” ani Papa Chiz.

Sa ngayon, walang mga celebrity endorsers si Papa Chiz.

“Right now I don’t have any. In fact, right now, I don’t have advertisement. So bago tayo pumunta sa endorser, pag-usapan muna natin ang airtime. Wala pang airtime eh, endorser pa? I think I’m one of the few, if not the only one, without an ad now.”

Bagong Miss International Queen Trixie Maristela balik-‘Pinas na

Bumalik na kahapon sa Pilipinas mula sa Thailand si Trixie Maristela, ang Filipina transwoman na nag-win ng Miss International Queen 2015 sa Pattaya.

Excited na excited si Trixie sa kanyang pag-uwi dahil miss na miss na niya ang ating bansa. Halos isang buwan din na namalagi si Trixie sa Thailand dahil sa contest na sinalihan niya.

Contract star si Trixie ng Viva Artists Agency. Malamang na magkaroon ng welcome presscon para kay Trixie dahil sa tagumpay niya sa Thailand.

Si Trixie ang pangalawang Pinay transwoman na nag-win ng Miss International Queen crown na unang napanalunan ni Kevin Balot noong 2012. Asahan natin ang kaliwa’t kanan na television guestings ni Trixie.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG MISS INTERNATIONAL QUEEN TRIXIE MARISTELA

BEAUTIFUL STRANGERS

BECAUSE OF YOU

CHIZ

LOVI

MISS INTERNATIONAL QUEEN

NIYA

PAPA CHIZ

TRIXIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with