^

PSN Showbiz

James laging nakabantay sa mga sinusuot ni Nadine

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maari nang magdiwang ang JaDine fans dahil mukhang lume-level up na ang relasyon ng mga idolo nila.

Nagiging masyadong concerned na si James Reid sa kanyang kaparehang si Nadine Lustre kung kaya pati ang pananamit nito ay pinapansin na rin niya. Nahuli sa video ang naging pagtatalo nila sa isang event na pinuntahan nila dahil sa inakala ni James na sobrang seksi ng suot ng kapareha. Hindi naman ito ipinagkaila ni James at sinabing pinoprotektahan lamang niya ito sa mga sa­sabihin at magiging komento ng tao. Ganun?!

Janella good karma, walang hinanakit sa hindi kinalakihang ama

Katulad din ng hindi pagkait kay Janella Salvador ng kanyang ina na malaman niya ang tungkol sa kanyang amang si Juan Miguel Salvador, madali rin itong pumayag nang minsan ay may madaanan silang mag-ina sa isang lugar na kung saan at nagpe-perform ito.

Anim na taon nang hindi nagkikita ang mag-ama kaya madaling pumayag si Janine Desiderio sa suggestion ng anak na panoorin nila ang ama nito.

Hindi nagpakita ang mag-ina kay Juan Miguel nung una para hindi magambala ang pagtatanghal nito pero, nang magtapos ang palabas ay dinala ng ina ang kanyang anak sa ama nito para magkita’t magkausap sila. Mahigpit na yakapan ang naging salubungan ng mag-ama.

Walang hinanakit ang batang artista sa kanyang ina  dahil hindi nito ipinagkait at inilihim  sa kanya ang tungkol sa kanyang ama. Wala ring masamang salita siyang narinig dito tungkol sa kanyang ama.

Kaya naman good karma si Janella. Meron siya nga­yong pelikulang kasali sa Me­tro Manila Film Festival (MMFF), ang Haunted Mansion, na balitang sobrang nakakatakot sa trailer pa lang.

Gelli nagsalita sa hiwalayan daw nila ni Ariel

Hindi naman iniiwan ni Gelli de Belen ang TV5 para lumipat ng Kapamilya Network o ABS-CBN.

Katwiran niya ay bumibisita lamang siya rito at tina­tanggap ang imbitsyon nila sa kanya na maka­pag-guest sa mga programa nito tulad ng Kris TV at Tonight with Boy Abunda at maging sa isang episode ng Kapamilya, Deal or No Deal. Kapamilya ang kanyang asawang si Ariel Rivera at kapatid na si Janice de Belen. May basbas naman ng TV5 ang paggi-guest niya sa ibang istasyon.

Sa isang interview sa kanya sa TWBA ay pinag-usapan nila ni Boy Abunda ang 18 years na pagsasama nila  ni Ariel Rivera. Pinabulaanan niya ang tsika na napipinto ang paghihiwalay nila.

Ginseng galing Korea, mabisang gamot daw

May isa nang food supplement ngayon na nabibili na hindi lamang tumutulong sa pagpapalakas ng katawan ng mga gagamit nito  kundi nagsisilbi na ring gamot para maprotektahan  ang ating katawan sa ma­raming sakit na dulot ng stress at acidity.

Pormal na inilunsad kamakailan ang Korean Red Gin­seng  sa isang trade exhibit  sa Robinson’s Manila  na kung saan  ay nakita ang produkto na lumabas matapos ang maraming taon ng pananaliksik at ang health benefits na dulot nito.

Ang Korean Red Ginseng ay esklusibong ipina­mamahagi ng D. Lizada at nagmumula lamang sa Ginseng na tumutubo sa South Korea at inaani lamang makaraan ang pitong taon para makuha ang buong bisa ng Ginseng na pinagtulungang saliksikin at pag-aralan ng mga scholars na nagmumula sa  US, UK, Japan, Italya, Bulgaria at South Korea na pare-parehong nakita  ang epekto ng produkto sa prevention  at treatment ng napakaraming sakit at karamdaman. Isang Pilipino, si  Rizal, Laguna Ma­yor Antonio Aurelio ay gumawa rin ng sarili niyang re­search at  nakita ang mga sangkap ng  Korean Red Ginseng na nagbibigay dito  ng bisa para  matawag na “elixir of life”.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL RIVERA

BOY ABUNDA

HINDI

KANYANG

NBSP

NILA

NITO

SHY

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with