^

PSN Showbiz

Megan at Lauren, iisang lalaki ang pinag-aawayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa pagsagip ni Sergio kay Cruzita sa pool, pagsasabihan niya ang bata na mag-ingat at mukhang may lukso ng dugo si Sergio (Tom Rodriguez) dahil magaan ang loob niya sa bata.

Ayaw pumayag ni Antonia (Lauren Young) na hindi matuloy ang kasal nila ni Segio kahit pa umaatras na ito. Kaya naman maiisip niya na si Bella Aldama (Megan Young) ang gumugulo sa isip ni Sergio. Pupuntahan niya ito sa opisina.

Manunugod si Antonia sa opisina ni Bella at magpapalitan sila ng masasakit na salita. Sasabihan ni Antonia si Bella ng ahas at mang-aagaw. Sasampalin si bella at hindi siya makakalampas sa ganting sampal ni Bella at sabunot.

Mapapahiya nang lubusan si Antonia ng dumating ang mga security at malalaman niya na si Sergio ang habol ng habol kay Bella. Wala sa focus si Bella dahil sa nangyari kaya maiisipan niyang puntahan si Padresito pero magugulat siya ng magkasunod lang sila ni Sergio na dumating kaharap si Padresito at magtataka si Sergio kung bakit sila magkakilala.

Itatanggi pa rin ni Bella na matagal na niyang kilala ang padre. Habang binabasahan ni Bella ng story ang mga bata sa simbahan ay nakatitig sa kanya si Segio at maaalala niya ang dating ginagawa ni Marimar.

‘Yan at marami pang iba ang mga mangyayari sa pagpapatuloy ng kuwento ng Marimar.

vuukle comment

ANG

ANTONIA

BELLA

BELLA ALDAMA

LAUREN YOUNG

MARIMAR

MEGAN YOUNG

PADRESITO

SEGIO

SERGIO

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with