^

PSN Showbiz

Habang ang ex na hiniya-hiya maligaya na, babaeng personalidad tigang na tigang pa rin!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Markado ang kuwentong ito. Kontrobersiyal ang paghihiwalay ng isang magkarelasyon sa showbiz. Kawawang-kawawa ang lalaki, nakadapa na ito ay tinapak-tapakan pa rin ng babae, naging matinding bangungot ‘yun sa kanyang buhay.

Kung anu-anong inembentong kuwento ang sinabi ng babae on national television habang nananaghoy, naawa sa kanya ang manonood, ipinako sa krus ng publiko ang lalaking diumano’y nanakit-nambastos sa kanya.

Pagkatapos lang nang tatlong buwan ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Ang kapapanganak na tigre ang kawangis nang makipaghiwalay sa kanyang ka-live-in ay nagsusumamo na, nakikiusap na puntahan siya sa kanyang tirahan, gumagawa ng paraang magkabalikan sila.

Napakababaw na nakakahiya ang dahilan kung bakit. Nagparetoke siya ng katawan, sobra-sobrang dugo ang nawala sa kanya, hindi siya makabangon sa higaan.

Ang gusto niyang magbangon sa kanya ay ang lalaking winasak niya sa mata ng publiko. ‘Yung lalaking halos mawalan na ng career dahil sa kanyang mga akusasyon.

Kinilabutan ang buong katawan ng lalaki nang tawagan ito ng isang kaibigan. Simple lang ang hiling ng ex nito, ang maibangon sa higaan, napa-sign of the cross ang lalaking personalidad.

Halos matanggal na ang ulo ng male personality sa pagtanggi, sobra-sobra na raw ang nangyari sa kanya, ayaw na nitong magkaroon pa ‘yun ng ikawalang yugto.

Nabigo ang female personality sa kanyang hiling, nainsulto pa siya, dahil ang lalaking mahal na mahal pa rin pala niya ay wala nang pagtingin sa kanya.

Para pasakitan ang kanyang ex ay umiral ang matinding pride ng babae. Nag-imbento na naman siya ng mga kuwentong malayo sa katotohanan. May isang kaibigan daw ang kanyang ex na nanliligaw sa kanya. Idinenay ‘yun ng lalaki. Ni sa panaginip ay wala raw itong kaplanu-planong ligawan ang female personality.

Maligaya na ngayon ang lalaking personalidad, pero ang babae ay wala pa ring karelasyon, para pa rin siyang mangingisdang nasa laot sa paghahanap ng magmamahal sa kanya.

Ubos!

AiAi at Wally nagsasalpukan sa galing

Nakakaaliw ang presensiya ni AiAi delas Alas sa kalyeserye. Bilang Russian lola ni Alden Richards na matagal nang naninirahan sa Pilipinas ay bitbit pa rin ni AiAi ang dahilan kung bakit siya kinoronahang Comedy Queen.

Ibang klase siya, konting sundot lang niya ay humahalakhak na ang ma­no­nood, kahit nga ang Tito (Sotto), Vic (Sotto), & Joey (de Leon) ay hindi ma­kapagpigil ng tawa kapag umaarya na siya.

Bentang-benta ang komedya ni AiAi bilang lola ng Pambansang Bae na may inireretong babae sa kanya, si Cindy Kournikova na pinagseselosan naman ni Yaya Dub (Maine Mendoza), nakakaaliw ang daloy ng kuwento ngayon ng kalyeserye.

Pero sorry na lang kay Russian lola, dahil ang puso ng kanyang apo ay nakay Maine pa rin, naghahampasan na naman ang mga tagahanga ng AlDub kapag ipinagtatanggol ni Alden si Yaya Dub.

Hindi pa rin kumukupas ang paghanga ng ma­no­nood kay Wally Bayola, nagtatagisan sila ng talento ni AiAi, ibang klase talaga kapag mga natural na komedyante ang nagpapalitan ng mga patutsadang walang ka-effort-effort.

Sayang lang dahil hanggang ngayo’y wala pa si Jose Manalo, rumaket ito sa ibang bansa, ramdam ang kanyang pagka­wala sa araw-araw na sultada ng Eat Bulaga.

Hindi pumako sa kilig ng AlDub ang kalyeserye. Nagkaroon ng pagsasanga-sanga ang kuwento na kinaaaliwan ng publiko.

‘Yun ang meron ang Eat Bulaga na wala ang kanilang katapatang show, kumbaga sa manok na panabong ay tahiran na ang mga writers ng noontime show, hindi na sila kayang kabugin ng kahit anong programa.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BILANG RUSSIAN

CINDY KOURNIKOVA

COMEDY QUEEN

EAT BULAGA

KANYA

KANYANG

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with