^

PSN Showbiz

Spoiled, insensitive at walang humor daw, Kris nag-sorry sa mga kaartehan sa APEC

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Itinuturing ng guwapong pulis na si Neil Perez na masu­werte siya sa pagkakasali sa Princess in the Palace dahil napakabait daw sa kanya ng mga co-stars niya. Parang isang pamilya lang daw ang turingan nilang lahat sa set.

“Nakakatuwa pa dahil kasama ko si Ryzza Mae, maraming mga batang nakakapanood. Kaya ako po bilang isang pulis kapag napapanood nila may isang pulis na nag-artista nakakatulong din para ma-uplift ang mga kapulisan,” pahayag ni Neil.

Bukod sa pag-aartista, tuloy pa rin ang pagiging airport police ni Neil, at ngayon ay abala rin siya sa pag-asikaso sa mga kandidato mula sa ibang bansa na kalahok sa Mr. International 2015 na gagawin dito sa atin sa Resorts World Manila sa November 30.

Si Neil ang hinirang na Mr. International nung nakaraang taon.

PAK: Marami ang nakakitang magkasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na nanood ng Regine at the Theater concert ni Regine Velasquez sa Solaire Theater kamakalawa ng gabi.

Tapos na ang My Faithful Husband, pero lumalabas pa rin silang magkasama at kapag tinatanong mo si Jennylyn tungkol kay Dennis, ngiti lang ang sagot nito.

Naikuwento naman sa amin ni Jennylyn na marami raw silang kissing scenes ni Jericho Rosales sa MMFF entry nilang Walang Forever. Pero sobrang kampante raw siya sa Kapamilya actor dahil napakabait daw nito sa kanya at napaka-gentleman.

Tinukso namin kung hindi ba magseselos si Dennis, nginitian lang kami ng Kapuso actress. Trabaho lang naman daw iyun.

BOOM: Dahil sa pamba-bash kay Kris Aquino nang ipinost niya nung nakaraang Huwebes ng gabi ang tungkol sa pagka-sunburn niya at quits na raw sila ng mga taumbayang apektado ng matin­ding trapik, humingi na ito ng paumanhin na ipinost niya sa kanyang Instagram kahapon ng umaga.

Aniya; “I humbly apologize for my failed attempt at self depreca­ting humor Thursday night that came across as being spoiled and insensitive. I’M SORRY…

“In the future I will leave the joking to Vice Ganda, PROMISE.”

Karamihan naman sa mga followers ni Kris ay tinanggap ang apolo­gy niya, pero may mangilan-ngilan pa ring tinira siya at ang iba nga ay minumura pa siya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JERICHO ROSALES

KRIS AQUINO

MR. INTERNATIONAL

MY FAITHFUL HUSBAND

NEIL

NEIL PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with