^

PSN Showbiz

Kris dapat regaluhan ang sarili ng ‘Sense of Humor’! Sarah, Matteo at Jennylyn, Dennis, nag-date sa concert ni Regine! Nora nahihirapan nang magsalita!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sarado ngayon ang Mindanao parking lot ng TriNoma dahil sa Kapamilya Krismas 3 show ng mga artista ng tatlong programa ng ABS-CBN, ang Doble Kara, Ang Probinsyano at On The Wings of Love. Nilagyan ng mga barikada ng Trinoma management ang paligid ng Mindanao parking lot noong Biyernes dahil sa inaasahan na pagdagsa ng fans.

SCENE: Tinawag na salaula ang comedienne na si Cai Cortez dahil sa pagkukuwento niya sa publiko ng kanyang sexlife sa podcast ni DJ Mo. Inaakusahan si Cai na hindi na binigyan ng kahihiyan ang kanyang ama na si Rez Cortez.

SEEN: Magkasama na pinanood nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli; Jennylyn Mercado at Dennis Trillo; Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. ang concert ni Regine Velasquez sa The Theatre ng Solaire noong Biyernes.

SCENE: Nasanay na si Kris Aquino na itanong ang address ng mga nang-iinsulto sa kanya sa social media dahil padadalhan niya ng sense of humor ngunit hindi naman natutupad. Panahon na para tanggapin ni Kris ang kawalan niya ng sense of humor at ang sarili ang kanyang dapat regaluhan ng sense of humor.

SCENE: Nakaka-distract sa viewers ng Little Nanay ang hirap na pagsasalita ni Nora Aunor sa mga eksena niya dahil sa kanyang throat problem. Dapat nang ipagamot ni Nora ang problema sa lalamunan niya bago ito tuluyang lumala.

SEEN: Natupad sa Wang Fam ang longtime dream ng direktor na si Wenn De­ramas na makagawa ng isang horror co­medy movie. Personal na pinasasalamatan ni Deramas ang lahat ng mga nagsasabi sa kanya na pinanood nila ang Wang Fam.

SCENE: Pamangkin at hindi anak ni AiAi delas Alas ang role ni Alden Richards sa My Bebe Love. Anak naman ni Vic Sotto si Maine Mendoza sa isa sa mga official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG PROBINSYANO

BIYERNES

CAI CORTEZ

DENNIS TRILLO

DOBLE KARA

HAYDEN KHO

STRONG

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with