^

PSN Showbiz

Pero sige lang sa kaka-sex! Regine at Ogie walang pressure na sundan si Nate

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Beteranong actor, hindi makaarte sa serye!

PIK: Ayaw na raw magpa-pressure nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na masundan si Nate.

Sabi ni Regine, sobrang happy na raw sila sa kanilang Baby Nate, pero nandiyan pa rin naman daw ang wish na magkaroon sila uli ng isa pang baby. “Basta sex na lang kami nang sex,” pakikay na sagot ni Regine.

Pero hindi raw pressure sa ka­nila, kung kelan daw nila gustong magniig dahil gusto nila, hindi para magka-baby, para walang pressure. “If we’re going to have sex, we’ll have sex because it’s a na­tural ano and we’re passio­nate about each other and we love each other,” sabi pa nito.

Mas napi-pressure pa nga raw siya sa mga show niya lalo na’t ma­mayang gabi at bukas ay babalik na naman siya sa Solaire Theater para sa kanyang Regine at The Theater concert na sila-sila lang ang nag-conceptualize at nagdidirek.

Wala na raw gaanong pressure sa kanila ngayon dahil medyo gamay na nila kahit sila-sila na lang ang nagdidirek.

“Kasi the concept is already buo. Alam ko na ganun eh, That’s why we opted not to have a director because we already know. Alam na namin, so basically the songs will carry the whole show,” tsika pa uli ng Asia’s Songbird.

PAK: Ang narinig namin magti-tape raw si Alma Mo­reno sa Gandang Gabi Vice para sa isang masa­yang tsikahan. Hindi lang kami sure kung matutuloy iyon.

Habang pinaglalaruan sa social media itong nag-viral na interview ni Karen Davila kay Alma, dumarami ang naaawa sa actress/politician dahil ang tingin ng iba ay sobrang dinikdik siya sa nasabing interview.

Ilan sa mga taga-showbiz ay nag-react para kay Alma dahil sa awa sa kanya. Isa nga sa nagbigay ng reaction ay si Vivian Velez na nag-post sa kanyang Facebook account.

Aniya; “Ok, I know the objective Ms. Davila, but do you really have to rub it in. I am not in favor of Alma’s senatorial run but you didn’t have to humiliate her. Next time, try to be a gracious host. Your tone is very antagonistic.”

Marami sa followers ni Vivian ang nag-agree sa kanya, pero may ilan ding naintindihan ang ginawa ni Karen Davila.

BOOM: Naitsika lang sa aming na-disappoint daw ang production staff sa isang award-winning actor dahil nahihirapan ito sa pag-arte sa ginagawa nilang drama series.

Humakot ng maraming awards si aktor mula sa pelikulang nagawa niya at nakasali pa siya sa ilang international filmfest, kaya nagkainteres ang isang malaking TV network na isali siya sa isang drama series.

Pero iba kasi ang akting sa pelikula na nakakailang takes kesa sa teleserye acting na madalian dahil naghahabol ng ilang sequen­ces sa loob ng isang araw. Hirap daw mag-adjust ang ilang artista at production staff dahil nahirapan din si aktor sa ilang eksenang ginagawa niya. Doon nalalaman na iba talaga kapag sanay ka sa pelikula kesa sa TV acting. Ang buong akala kasi ng mga co-actors nito ay magaling itong si aktor, pero bakit hirap ito sa ilang mga eksena.

Napag-uusapan tuloy siya ng ilang staff.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ALMA MO

ANG

BABY NATE

DAHIL

GANDANG GABI VICE

KAREN DAVILA

MS. DAVILA

OGIE ALCASID

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with