^

PSN Showbiz

Tambalang Tommy-Miho malakas pero hindi pang-phenomenal?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukha naman ka­ilangang humanap-hanap ng kabilang istasyon ng mas malakas na loveteam na pwede nilang isabong kaysa sa tambalang sinisimulan nilang itulak tulad ng tambalang nabuo sa katatapos na PBB (Pinoy Big Brother 737), ang tambalan nina Tommy Esguerra at Miho Nishida.

Hindi mapasusubalian ang lakas ng tambalang TomiHo, pero hindi sila pheno­menal tulad ng AlDub nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza) na hindi lang isang pagtatambal kundi isang nasyon na. Pero para sa ikasisiya ng lokal na showbis, sige pagsabungin natin sila!

‘Katigan sana ng kapalaran si Isko’

Sana katigan ng kapalaran si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kanyang pagtakbo bilang senador sa nalalapit na eleksyon. Isang mabuting lingkod bayan ang dating miyembro ko ng That’s Entertainment at ipinagmamalaki kong self made man dahil matiyagang nakatapos ng pag-aaral at nagbibigay ng isang matapat at mahusay na paglilingkod sa mga taga-Maynila.

Kylie bumaba ang estado sa ipinagawa ng Starstruck

Tama lang si Vero sa kanyang opinyon na dapat ay hindi na hiningan ng GMA si Kylie Padilla na magbigay ng lip service sa ilang Starstruck wannabes.

Sana ipinagawa na lamang daw ito sa mga kapwa nilang sumusubok din sa naturang reality program at hindi kay Kylie na malaki nang artista at alangan na sa mga ganung klase ng role.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ISKO MORENO

KYLIE PADILLA

MANILA VICE MAYOR

MIHO NISHIDA

PINOY BIG BROTHER

QUOT

SANA

STRONG

TOMMY ESGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with