^

PSN Showbiz

X-mas ID ng GMA reretokehin, Regine ipapasok!, Alden gustong makasama si Maine sa pasko

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakakaaliw ang exclusive interview ni Kuya Ricky Lo kina Alden Richards at Maine Mendoza na mapapanood sa CelebriTV mamayang hapon.

Nandiyan pa rin ang kilig-kiligan sa mga sagot nila. Balak pala ni Maine na sa ibang bansa siya mag-Pasko. Pinag-iisipan daw niyang mag-Japan, pero depende kung ano raw ang gusto ng pamilya niya. Sabi naman ni Alden, “baka sumunod ako.” Kaya kinilig ang mga staff na nandun sa interview.

PAK: Samu’t-sari ang mga opinyon pagkatapos lumabas ang Christmas station ID ng ABS-CBN 2 at ng GMA 7. May nagsasabing mas maganda ang sa ABS-CBN 2, at may nagagandahan din sa GMA 7 kung saan bentang-benta ang loveteam ng AlDub na halos ka-back-to-back ng kina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mas mahaba ang sa Kapamilya network dahil marami silang stars, pero mas marami raw ang naaliw sa station ID ng Kapuso network dahil sa tatlong lola ng kalyeserye na sina Lola Nidora (Wally Ba­yola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros).

Si Alden lang ang kumanta sa jingle, samantalang ang sa ABS-CBN ay ang mga sikat nilang loveteams at ang winner ng The Voice Kids champ na si Ella Mae Nympha.

Pero ang latest na narinig namin, may mga aa­yusin pa sa station ID ng GMA 7. Idadagdag pa kaya nila si Regine Velasquez? Marami raw ang nag-react bakit hindi ka-join ang host ng Sarap Diva.

BOOM: Totoo bang ilang araw na raw pinagpuyatan ni Direk Erik Matti ang ginagawa niyang para sa Darna?

Sobrang higpit daw ng security sa shoot na iyun dahil nandun na raw ang costume, at ilang detalye para sa gagawin nilang pelikula ng sikat nating Pinoy super heroine na Darna.

Pero wala pa raw doon ang gaganap na Darna, dahil hindi pa rin nila napagdesisyunan kung sino na talaga ang pipiliin para sa mapanghamong role na iyun.

Isa sa mga araw na ito ay magkakaroon na raw ng announcement ng audition, hindi lang sa Darna kundi pati sa ibang role kagaya ng batang si Ding at ang leading man ni Narda.

Sobrang kinarir daw ito ni Direk Erik dahil sobrang tagal na hindi nakagawa ng pelikulang Darna, kaya gusto niyang kakaiba ito sa lahat na nagawang Darna movie.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DARNA

DINGDONG DANTES

DIREK ERIK

ELLA MAE NYMPHA

ERIK MATTI

JOSE MANALO

LOLA NIDORA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with