^

PSN Showbiz

Sila pa rin naman daw Bea may pakialam pa kay Zanjoe

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa November 25 na mapapanood ang pelikulang A Second Chance na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Kahit kinakabahan ay maipagmamalaki raw talaga ni Bea ang kanilang bagong proyekto. “Kami ang nabibigla kasi kinakabahan na kami pero sa tingin naman namin maganda ang material namin. ‘Yon eh kung naniniwala ka na maganda ang ginawa mo, confident ka,” giit ni Bea.

Samantala, ngayon ay isa raw ang aktres sa mga napipisil ng mga tagahanga na pumalit kay Angel Locsin para sa pelikulang Darna sa susunod na taon. “Darna? Hindi, ay! Ako ba? Hindi ko alam,” bungad ni Bea.

Ayon sa aktres ay wala pa naman daw siyang nakukuhang alok upang gampanan ang Pinay Superhero. “Wala po akong offer. Parang hindi naman ako. Ako si Basha (karakter sa One More Chance at A Second Chance), hindi si Darna,” nakangiting dagdag ng aktres.

Isang malaking karangalan naman daw para sa dalaga kung siya nga ang mapipiling gumanap bilang si Darna. “Siyempre malaking honor ‘yan, my God. Malaking blessing ‘yan if ever, but wala pa namang nag-o-offer sa akin. I will tell you about it if ever,” pahayag ni Bea.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ay madalas na napababalitang nagkakalabuan na sila ng kasintahang si Zanjoe Marudo. Nilinaw ni Bea na maayos ang kanilang relasyon ngayon at natural lamang daw sa magkasintahan na nagkakaroon ng tampuhan paminsan-minsan. “Our relationship is full of misunderstandings and love. So mahal ninyo ang isa’t isa kung may pakialam pa kayo sa isa’t isa, hugot! Yes, we’re still together,” natatawang paliwanag ng aktres.

Alex ayaw ipilit ang sarili kay Arjo

Nagpahayag ng kanyang hangarin si Arjo Atayde para kay Alex Gonzaga ilang buwan na ang nakalilipas. Aminado ang aktor na gusto niya si Alex kaya niligawan niya ito. Ayon naman kay Alex ay magkaibigan naman daw sila ni Arjo ngayon. “Si Arjo gusto ko talagang kaibigan pero siguro hindi pa lang naggo-grow ‘yung pagtingin ko sa kanya. Hindi rin nabigyan ng chance, hindi talaga nag-flourish na more than friendship. Pero sayang kasi ‘yung friendship, ayaw ko namang i-take risk. ‘Yun ‘yung sinasabi ko, na in love, ang laki-laki ng risk. Kaya dapat when you take a risk, you make sure na worth it,” makahulugang pahayag ni Alex.

Wala raw pinagsisisihan ang aktres kahit hindi niya sinagot si Arjo. “No, kasi for me, if will ni Lord, kung kami talaga in the end, magiging kami naman. Kung hindi ngayon, hindi ngayon. Ayaw ko nang pilitin ang mga bagay na mayroon kang doubt o hindi ka sure. Sobrang buti ni Arjo. Ang swerte ng magi­ging girlfriend niya,” giit ni Alex.  

 

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

ALEX

ANG

ARJO

BEA

DARNA

HINDI

NAMAN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with