^

PSN Showbiz

ABS-CBN nagpasalamat sa pagmamahal sa bagong Christmas station ID

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakakaantig at tagos sa pusong pasasalamat ang inihandog ng pinakamalalaking Kapamilya stars sa mga Pilipinong nagsisilbing inspirasyon sa kanilang trabaho at personal na buhay sa inaabangang 2015 ABS-CBN Christmas station ID na  Thank You for the Love na inilunsad kagabi (Nov 12) sa TV Patrol.

Sa pangunguna ng pinakamainit na loveteams ngayon nina James Reid at Nadine Lustre, Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kasama ang Rock Royalty na si Bamboo at The Voice Kids Season 2 grand champion na si Elha Nympha, ipapakita sa station ID ng Kapamilya Network kung paano magpasalamat ang mga Pilipino kahit sa simpleng pamamaraan lang sa mga taong nagpakita sa kanila ng kabutihan at pagmamahal.

Isa na riyan si Coco Martin na nagbigay sa mga sundalo ng Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ng mga bagong combat shoe kasama ang iba pang cast ng top-rating serye na Ang Probinsyano.

Game naman na sa paghanda ng packed goods ang Pasion De Amor cast para sa mga sundalo na nagsilbing simbulo ng katatagan sa Ayungin Shoal.

Matapos ang kanilang tagumpay sa larangan ng boxing, nakatanggap naman ng homecoming tribute ang Pinoy Pride boxers na sina Donnie Nietes, Mark Magsayo, at magkapatid na Jason at Albert Pagara mula kina Gerald Anderson at mga personalidad sa ABS-CBN Cebu habang si Piolo Pascual naman ay naghandog ng bagong mga uniporme sa mga kabataang miyembro ng Bayanijuan Futbol Club sa Calauan, Laguna.

Samantala, nakipag-bonding naman sina Angel Locsin, Matteo Guidicelli, Jessy Mendiola, JC De Vera, at Paulo Avelino sa mga batang ulila sa Meritxell Children’s World Foundation sa Marikina City

Isang Noche Buena table naman ang umikot sa iba’t ibang lugar kasama ang piling Kapamilya stars para mapagtipon ang mas maraming pamilya. Nakipagsalo-salo ang Be My Lady  stars na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa mga magsasaka sa Pampanga; si Julia Montes naman ng Doble Kara sa mga health at birthing station volunteer sa Batangas; sina Richard Gomez at Dawn Zulueta ng  You’re My Home sa kanilang masusugid na tagahanga sa Quezon City, at sina Kim Chiu at Xian Lim kasama ang iba’t ibang tao sa lansangan.

Ang 2015 ABS-CBN Christmas Station ID ay nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management sa pamumuno ni Robert Labayen, Johnny Delos Santos at Patrick de Leon. Ito ay idinerehe ni Paolo Ramos kasama ang second-unit director na si Peewee Azarcon-Gonzales.

vuukle comment

ALBERT PAGARA

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGEL LOCSIN

AYUNGIN SHOAL

BAYANIJUAN FUTBOL CLUB

BE MY LADY

CAMP CAPINPIN

CHRISTMAS STATION

COCO MARTIN

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with