^

PSN Showbiz

Robin Padilla nagalit kay Kylie nakipaglaplapan kasi sa 5 lalaki

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Medyo seryoso ang kuwento ng bagong drama series na Little Nanay ng GMA 7 pero light lang daw ang atake sabi ni Direk Ricky Davao para magaan lang din panoorin sa primetime.

 “Seryoso yung topic pero ang treatment namin very light lang. Kahit may problemang mabigat sa pamilya, malalampasan mo rin yan basta together kayo and happy,” pakli ni Direk Ricky.

Kaya pinauso nila ang linyang “Happy lang” na laging sinasabi ni Tinay, ang little nanay na ginagampanan ni Kris Bernal.           

Maingat lang daw si Direk Ricky sa pag-handle ng mga drama scenes dahil mga bigating artista ang gumaganap na pinangungunahan nina Nora Aunor at Eddie Garcia.

 “Dun lang nakakatakot kasi ang gagaling ng mga artista. So, kinukontrol namin na huwag mas­yadong bumigat,” sabi pa ni Direk Ricky.            

Sa Lunes, November 16 na magsisimula ang Little Nanay pagkatapos ng 24 Oras.

PAK: Si Robin Padilla ang unang nag-react nang napanood sa Starstruck 6 ang kissing scene ni Kylie Padilla sa mga male contestants ng naturang talent-reality search.

Limang male finalists ang nasalang sa Kiss flicks na segment ng Starstruck na kung saan sinorpresa sila ng kilalang Kapuso actress na si Kylie na makakahalikan nila.

Nagalit si Robin nang napanood ito dahil hindi niya ma-take na ang anak niya ang unang magbinyag sa mga Starstruck survivors.

Ipinaliwanag naman ni Kylie na dinaya lang ang naturang eksena dahil iyun naman talaga ang ituturo sa mga taga-Starstruck kung paano gawin ang isang kissing scene na parang makatotohanan.

Pero ‘di pa rin type ni Robin ang ginawa ng kanyang anak.

BOOM: Masaya si AiAi delas Alas sa kanyang kaarawan kamaka­lawa lang na kung saan naghanda siya ng children’s party na ginanap sa Hemady Events Place sa Quezon City.

Mickey Mouse ang motif ng party na kung saan kumpleto ng mga handaang pambata, with matching games at magician na ikinatuwa ng mga bata pati na rin mga matatandang guests.

Sabi ni AiAi, never daw niya na-experience ang magkaroon ng children’s party nung bata pa siya dahil mahirap lang daw sila nun. Kaya kahit 51 years old siya, enjoy siya sa children’s party na selebrasyon.

 “Mahirap magpa-children’s party pero ang happy. Nakakatuwa kasi nag-enjoy lahat ang mga bisita kasi may magic, may show nakakatuwa. Pang-good vibes lang,” pahayag ni Aiai.

Doon na rin sa party niya ay nagbenta na rin si AiAi ng tickets para sa malaking concert niya na gaganapin sa SM MOA Arena sa November 23.

Ang malilikom sa naturang concert ay para raw sa ipinapatayong simbahan niya na Kristong Hari sa may Commonwealth.

Kaya ang title ng show niya ay For the Love of Mama, dahil alay daw niya ito kay Mama Mary. (Happy birthday Ai. – Salve)

vuukle comment

ACIRC

ANG

DIREK RICKY

EDDIE GARCIA

KAYA

LANG

LITTLE NANAY

MGA

NBSP

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with