^

PSN Showbiz

All is well that ends well sa maglo-lola: Mga anak ni Albert nanghihingi ng dasal para kay Amalia Fuentes

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanghihingi ng dasal ang mga apo ng veteran actress na si Amalia Fuentes para sa agarang pagaling ng veteran actress matapos ma-stroke sa Korea last October 9. 

Ito ang mga apo ni Ms. Amalia sa namayapa niyang anak na si Liezel na wife ni Albert Martinez na common knowledge na nagka-isyu nang mawala si Liezel. 

Narito ang buong statement nina Alyanna, Alfonso, and Alissa Martinez na pinadala ng talent manager na si Tita Dolor Guevarra. Kaibigan ni Tita Dolor ang manager ni Albert Martinez na si Ms. Shirley Kuan. 

It is with deep sadness that we, the grandchildren of Amalia Fuentes, are confirming that she had suffered an ischemic stroke on Oct. 9, while on vacation in South Korea.

She was discovered by her friend in her hotel room and was immediately rushed to a hospital in Seoul where she was placed in an intensive care unit.

After a few weeks when she was finally stabilized, her Korean doctors allowed her to travel back to the Philippines.

Upon her return on Oct. 27,  from the tarmac she was brought straight to the hospital. 

We were informed by her doctors that she hopefully can be discharged within two weeks.

She will continue her recuperation at home and will be undergoing extensive therapy soon after.

We, her grandchildren, and the rest of the Muhlach family, appeal to her friends , fans and the general public for prayers for her immediate and full recovery.

We love and respect her deeply. 

Maja hindi kabado sa concert

Maganda ang taong 2015 para kay Maja Salvador hindi lamang dahil sa kanyang acting career kundi  sa kanyang karera bilang isang singer at performer. In all fairness, maliban sa kanyang mga platinum record albums at teleserye kasama si Coco Martin sa  FPJ’s Ang Probinsyano na nakakuha ng 39.4% national ratings sa Kantar Media, papatunayan pa ng dance queen na isa siyang certified performer sa kanyang MAJASTY concert ngayong Biyernes alas-osto ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Matapos ang kanyang successful series of show abroad kasama si Jericho Rosales, ratsada ang majesty sa araw-araw na paghahanda sa kanyang nalalapit na concert. Sinisiguro ng akrtes na ibibigay niya ang lahat para mapasaya ang lahat ng nagtiwala at bumili ng tiket. Matatandaang last July 12, 2015 din ginanap ang kanyang sa Music Museum.

Hahataw si Maja sa mga latest dance hits kasama ang Hotlegs and G Force. Mas lalo pang kikinang ang gabi kasama ang kanyang mga special guests na sina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC De Vera, Enrique Gil, and Piolo Pascual.

Available ang Majasty tickets via www.smtickets.com at  all SM Ticket outlets.

Kamakailan lang ay may lumabas na isyung mabagal ang bentahan ng tickets sa kanyang concert pero medyo umuusad na naman daw.

 Parokyano ng Enchanted nabulabog sa flash mob ng mga ‘aswang’

Kagulo ang mga parokyano ng popular na theme park na Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, nu’ng Linggo, nang dumayo roon, mag-flash mob at mag-show ang buong cast ng horror-comedy na Wang Fam ng Viva Films.

As in, hindi nagpahuli sa pagpapa-picture at pakikisaya sa mga bida ng pelikula ang mga bata’t matanda na karamihan ay mga estudyante at ang iba ay naka-uniform pa. Pinangunahan ng versatile comedienne na si Pokwang kasama ang mag-amang Benjie at Andre Paras, Yassi Pressman, child wonder na si Alonzo Muhlach, Candy Pa­ngilinan, at Dyosa Pockoh and nasabing adventure ng buong cast. 

In all fairness, kasing-init ng tirik na tirik na araw nu’ng hapong iyon ang naging pagtanggap ng fans sa grupo kaya maging sa dinner na ginawa sa Amazon area, pinagkaguluhan din sila at game namang kumaway at nakipag-picture ang mga artista.

Click din ang maikling show sa may food court area at tigil-rides ng Enchanted Kingdom. 

Unang sumalang sina Candy at Dyosa na namigay ng libreng premiere night tickets para sa premiere showing  sa SM Megamall sa Nov. 17.

Sinundan sila ni Alonzo, na bentang-benta ang pagkanta’t pagsayaw sa One Direction hit na You Don’t Know You’re Beautiful. Grabe ang batang ‘yan, laging hyper, parang walang kapaguran.

Siyempre, patok din ang tilian ng audience sa kilig number ng Yandre (Andre at Yassi), na live na nag-twerk it like Miley pa sa stage.

Halakhakan naman ang lahat nang rumampa na sa stage ang Wang Fam loveteam na Bewang (Benjie at Pokwang) at magpasiklaban ng mga nakatutuwang hugot at pick-up lines.

Gaya nga ng sabi ni Pokwang, walang gagawin ang fans kundi tumawa lang nang tumawa pag pinanood ang pelikula na showing na sa mga sinehan nationwide sa Nov. 18 sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas.

Nakatsika nga pala namin ang may-ari ng EK na sina Mr. & Mrs. Mario Mamon at na nakinood din sa flash mob at show. 

Nabanggit nilang nag-extend sila ng oras last Sunday para nga sa nasabing promo ng pelikula.

                                               

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ALISSA MARTINEZ

AMALIA FUENTES

ANG

ENCHANTED KINGDOM

KANYANG

MGA

NBSP

POKWANG

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with