^

PSN Showbiz

Megan Young naninibago sa paghihiganti!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bagong Megan Young ang bumulaga sa mga manonood sa Kapuso primetime series na Marimar. Mula sa pagganap ng Kapuso actress-host bilang si Marimar, naghihiganti na siya bilang si Bella Aldama.

“Ito na rin ang pagsisimula ng paghihiganti niya sa mga Santibañez lalo na kina Sergio [Tom Rodriguez] at Antonia [Lauren Young],” kwento ng aktres.

Sa parehong panayam, hindi ikinaila ni Megan na kinakabahan pa rin siya sa kanyang bagong karakter. “Medyo kinakabahan ako kasi siyempre napamahal na rin ako sa character ko bilang si Marimar. Si Marimar kasi tahimik, simple, hindi siya pala-ayos. Tapos si Bella, may mga mentors na siya, makakapag-aral siya sa ibang bansa, at matututo na siyang manamit ng maayos. She really educated herself para ready na talaga siya sa pagharap kina Sergio at Antonia. Ibang side naman ni Megan ang makikita ng viewers.”

Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata, mapapanood ang Marimar gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.

vuukle comment

ANTONIA

BELLA ALDAMA

DOMINIC ZAPATA

KAPUSO

LAUREN YOUNG

MARIMAR

MEGAN

MEGAN YOUNG

MULA

SERGIO

SI MARIMAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with