^

PSN Showbiz

Kahit nag-break uli Jessy kaibigan pa rin ang turing kay JM

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang linggo na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balitang nagkahiwalay na muli sina Jessy Mendiola at JM de Guzman. Matatandaang una nang nagkahiwalay ang aktres at si JM noong 2013 pagkatapos ng dalawang taon nilang relasyon. Ngayon ay nagbigay na ng pahayag si Jessy tungkol sa naging hiwalayan nila ng aktor kamakailan. “It’s better siguro na we focus on our respective priorities. ‘Yun lang naman. I just want to focus on myself first. And that’s the same with him. Siguro may certain time na dadating na magiging okay ako. Siguro ngayon mas mabuti nga ito. It’s God’s way of saying, you have to prioritize other things more than this,” pahayag ni Jessy.

“So nandoon ako, sumusunod lang talaga ako sa daloy ng kung anong nangyayari sa amin, may mga bagay talaga na ‘pag sinasabi mong hindi talaga para sa iyo, huwag mong ipilit,” dagdag ng aktres.

Pagkatapos ng hiwalayan ay masasabi raw ni Jessy na kaibigan pa rin ang turing niya sa binata. Malaki talaga ang paghanga ni Jessy kay JM bilang isang magaling na aktor. “He’s an amazing person. He’s very talented, and I think that’s why I fell in love with him. He’s a very passionate person,” giit ni Jessy.

Sarah todo pagpapalakas ng katawan 

Sa December 4 na gaganapin ang From The Top concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum. Sobrang dami nang gustong manood ng nasabing concert kaya magkakaroon na raw ito ng second night na gaganapin naman sa December 5. Sorpresa pa sa ngayon ang mga magiging guests ni Sarah sa nasabing concert. “Wala pa naman pong final line-up ng guests. Kung meron man po o wala, surprise na lang po,” nakangi­ting pahayag ni Sarah.

Kapansin-pansin ngayon na pumayat ang dalaga dahil bahagi raw ito ng preparasyon para sa nalalapit niyang 2-night concert. “Nagwo-workout po ako in preparation for the concert. Kasi siyempre po, two nights. Gusto ko pong ma-improve ‘yung stamina ko. Kailangan pong palakasin ang katawan mentally, emotionally, physically,” paliwanag ni Sarah.

Samantala, maayos at masaya naman daw ang buhay pag-ibig ng Popstar Princess. Matagal-tagal nang kasintahan ni Sarah si Matteo Guidicelli. “Masaya naman po ako, masaya naman po. Importante na titingnan natin ‘yung magagandang nangyayari sa buhay natin. Nagpo-focus tayo sa positive na nangyayari sa buhay natin para hindi po tayo nalulugmok ‘di ba? Lahat naman po tayo, dapat we should count our blessings and appreciate them and thank God for every blessing,” makahulugang pahayag ng dalaga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARANETA COLISEUM

FROM THE TOP

JESSY

JESSY MENDIOLA

MATTEO GUIDICELLI

NAMAN

POPSTAR PRINCESS

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with