^

PSN Showbiz

Aktres inalok ng pamilyadong actor na igarahe sa condo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natakot ang nanay ng isang aktres nang malamang nagpaparamdam ang isang aktor sa kanyang anak.

Nang malaman daw ng aktor na malayo sa Quezon City ang bahay ng aktres, in-offer ng aktor ang kanyang condo unit sa aktres.

Anytime na gustuhin ng aktres, puwede niyang gamitin ang condo unit ng aktor na nasa Quezon City dahil hindi naman siya rito umuuwi. Sa Kyusi kasi madalas ang trabaho ng aktres at nabanggit sa isang kaibigan na nahihirapan na siyang mag-travel dahil sa trapik.

Ikinuwento ng aktres sa ina ang natanggap na offer sa aktor at pati ang pagtanggi niyang tumira ng libre sa condo unit ng aktor.

Ang ginawa ng ina, dinagdagan ang kasama ng anak na aktres para hindi makasingit ang aktor at ang bilin niya sa mga kasama ng anak, ‘wag hihiwalayan ang aktres at samahan kahit saan magpunta.

Nag-effort din ang mother ng aktres na samahan ang anak sa mga lakad nito sa showbiz lalo na kung alam na magkikita ito at ang aktor para hindi makasingit ang aktor. May rason na mabahala si mother, kilalang babaero kasi ang aktor at pamilyado pa.

Tom si Carla ang iniisip kahit nasa taping ng MariMar

Kinilig ang TomCar fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa pinost ni Tom sa Instagram (IG) na kahit nasa taping siya ng MariMar, si Carla at ang pelikula nilang No Boyfriend Since Birth o NBSB ang nasa isip niya.

Ikinuwento ni Tom na in between takes sa taping ng MariMar nila ni Megan Young, naglaro siya sa kanyang phone at gumawa ng rough animation nina Karina at Carlo sa flipaclip. ‘Yun ang pangalan ng mga karakter nila ni Carla sa NBSB, hindi pa tapos ang animation nang makita namin at nangako si Tom na tatapusin niya bago ang showing ng Regal Entertainment movie sa November 11.

Samantala, may teaser na ang Because of You, ang primetime teleserye ng GMA 7 na tatampukan nina Carla, Rafael Rosell at Gabby Concepcion. Aliw ang teaser na parang rom-com ang concept na mas bagay para maiba sa papalitan nitong Beautiful Strangers na drama.

 Mga baby nina Marian at Juday, patalbugan ang mga gamit

Kung ang baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia Gracia-Dantes ay Hermes ang mga gamit, ang baby nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Luna ay tila sa Pottery Barn manggagaling.

Pinost ni Judy Ann ang baby section ng Pottery Barn sa may BGC at ang hashtag ay #babyregistry at #babyshower, so, alam na doon gagawin ang baby shower for Baby Luna.

Mauunang manganak sa kanya si Marian Rivera na sa November 16 na ang due date. Si Juday ay sa January 2016 pa.

vuukle comment

AKTOR

AKTRES

ALIGN

ANG

CARLA

LEFT

MARIAN RIVERA

NBSP

POTTERY BARN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with