^

PSN Showbiz

Tutok pa rin sa casino, dating sexy star kinalimutan na ang nag-iisang anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang pagkalulong sa pagsusugal ng isang dating sexy star ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng isang dating young actor na napakaganda sana ng mga pangarap para sa kanyang pamilya.

Dahil sa sobrang pagmamahal sa babae ay walang pakialam ang aktor sa kanyang imahe, mula nang magsama sila ay pinahinto na siya sa pagtatrabaho ng kanyang mister, nagkaroon sila ng isang anak.

Walang kaalam-alam ang aktor na habang nagpupuyat-nagpapagod pala ito sa taping at shooting ay nakipagkaibigan naman ang kanyang misis sa mga lulong sa casino.

Du’n na nagsimula ang kanilang mga away, napababayaan na kasi ng aktres ang kanyang mag-ama, palagi na siyang nagbababad sa casino at iniiwan na lang ang kanilang anak sa tagapag-alaga ng bata.

Sa sobrang pagkalulong sa sugal ay marami nang iniimbentong kuwento ang aktres. Palaging may sakit ang kanyang mga mahal sa buhay kahit hindi naman, humihingi siya ng pera sa kanyang mister para sa kanilang anak, pero ang totoo ay ipinangsusugal lang niya ‘yun, hanggang sa nagdesisyon na ang aktor.

Nakipaghiwalay ito sa aktres, dinadalaw-dalaw na lang ng aktor ang kanilang anak, may bago na itong pamilya habang ang aktres naman ay laman pa rin ng sugalan.

Hanggang ngayon ay nakikita siyang nagka-casino, kapag wala siyang puhunan ay nanghihingi siya sa mga high roller na nakikilala niya, halos sa casino na siya nakatira ngayon at pinabayaan na ang kaisa-isa niyang anak.

“Ibang-iba na ang itsura niya ngayon, mukha na siyang marumi, pero ‘yung ganda at kaseksihang naging puhunan niya sa pag-aartista, e, nand’yan pa rin naman. Sayang na sayang ang babaeng ‘yun, matalino pa naman siya.

“Nu’ng minsan nga, e, nakita siya ng mga friends ko na pagapang-gapang sa casino. Nagtaka sila kung bakit. Namumulot pala siya ng mga pitsang nahuhulog mula sa mga malakas magsugal,” kuwento ng aming source.

Ubos!

Raymart at Claudine umayaw na sa giyera

Mula mismo sa abogado ni Claudine Barretto na si Attorney Ferdie Topacio ay nalaman namin na malapit nang matuldukan ang matinding sigalutang namagitan sa kanila ng kanyang mister na si Raymart Santiago.

Pagkatapos nang mahabang panahon na puro galit ang namamayani sa puso ng aktres ay maa­yos na ang sitwasyon ngayon, konting panahon na lang at magpipirmahan na sila ng kasunduan sa husgado, kasama na du’n ang malayang pagdalaw ni Raymart sa kanilang mga anak.

“Konting-konting time na lang at matutuldukan na ang problema nila ni Raymart. Well, kasama na sa kasunduan nila ang paghahatian ng properties, pero ang pinakamahalaga, ang kapakanan ng mga anak nila.

“Ganu’n talaga ang away-mag-asawa. Mainit na mainit sila sa una, masyado silang emotional, pero kapag nagtagal na, ang mare-realize nila, e, meron nga pala silang mga anak na mas naaapektuhan,” paliwanag ng small but terrible na abogado ni Claudine.

Nakakapanghinayang lang na hindi na masasaksihan ni Mommy Chiling Santiago ang magandang pagtatapos ng alitan ni Claudine at ng kanyang bunso. Nakamatayan nito ang problema.

Balik-trabaho na ngayon si Claudine at si Raymart naman ay abalang-abala sa kanyang career at sa pagnenegosyo. Tapos na ang kanilang giyera, masayang-masaya na ngayon sina Sabina at Santino, hindi man masasabing buo ang kanilang pamilya ay maayos nang nag-uusap ngayon ang kanilang mga magulang.

Panghuling komento ni Attorney Ferdie Topacio, “Kapag anak na ang sangkot, walang magulang na nagmamatigas. Palaging ang mga anak ang nagiging tulay sa pagkakasundo.”

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

ATTORNEY FERDIE TOPACIO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

KANILANG

KANYANG

MGA

MOMMY CHILING SANTIAGO

RAYMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with