^

PSN Showbiz

Pagluwal ni Marian kay Baby Z inaabangan na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakunan ng picture si Dingdong Dantes na nasa Makati Medical Center at agad inakalang baka dinala na sa hospital si Marian Rivera dahil manganganak na.

But as of today, wala pang balita kung nagsilang na ang aktres sa first baby nilang si Maria Letizia.

May mga naniwalang nagpa-check up lang si Marian dahil sa second week pa ng November ang due date nito. Although, nabalitang baka mas mapaaga ang panganganak nito, pero mukhang masusunod ang due date.

May mga nagpahatid na ng congratulations kina Dingdong at Marian kahit hindi pa lumalabas si Baby Z. Handa na ang mag-asawa at pati ang kani-kanyang pamilya at pati mga fans ng dalawa, excited na sa pagdating ni Baby Z.

James ipinangalan kay Clarky ang asong birthday gift kay Nadine

Isang teacup Maltese na pinangalanang Clarky ang birthday gift ni James Reid sa ka-love team niyang si Nadine Lustre.

Si Clarky pala ang sinabi ni James na “Got something for you when you get back” na ibibigay niya kay Nadine pagbalik nito mula sa bakasyon sa Korea.

Parang birthday treat ng aktres ang trip sa Korea kasama si Yassi Pressman at ilang kaibigan.

Hindi lang malinaw kung sino ang nagbigay ng pangalang “Clarky” sa pet dog na galing sa pangalan ng karakter ni James sa ABS-CBN primetime na On The Wings of Love nila ni Nadine.

Nakakatuwa ang JaDine fans dahil karamihan sa kanila ay naiintindihan ang sitwasyon nina James at Nadine.

Tinanggap nila ang sinabi ng dalawa na simula pa lang ng love team nila at sa ngayon, working relationship lang ang meron sila, magka-love team muna sila at hindi nila pini-pressure na gawing totohanan ang kanilang on-cam relationship, kaya walang masyadong controversy sa love team nila.

Maine ginamit ng hacker para mapansin ng fans ang problema ng bayan

Tinulungan ng Smart /TNT at ng Tape Inc., na ma-recover ni Maine Mendoza ang na-hack niyang Twitter account.

Ang Anonymous Philippines ang umaming nag-hack ng account ni Maine at ang rason nila ay para iparating sa AlDub Nation, fans nina Maine at Alden na mag-pay attention din sila sa government issues.

Nag-worry din ang fans na baka pati ang Twitter account ni Alden ay na-hack din, pero as of yesterday, okay naman ang Twitter ng aktor.

vuukle comment

ANG

ANG ANONYMOUS PHILIPPINES

BABY Z

CLARKY

DINGDONG DANTES

JAMES REID

MAINE MENDOZA

MAKATI MEDICAL CENTER

MARIA LETIZIA

MARIAN RIVERA

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with