^

PSN Showbiz

Boobs ni Liza puwedeng sumakto sa bra ni Darna

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman kataka-taka kung patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang Everyday I Love You ng tambalang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil matapos ang isang napakalaki at nakakawindang na isyu sa eroplano na pinagdaanan nila pareho.

Mukha naman mabilis makalimot ang fans and followers nila at maging ng manonood ng pelikula dahil sa kabila ng kaabalahan ng lahat sa paggunita sa namamayapa nilang mga mahal sa buhay sa katatapos lamang na Undas o All Saints and All Souls Day, pinupuno ng mga manonood ang mga sinehan na pinaglalabasan ng kanilang movie.

Magtataka ka na hindi kasing dami ng mga nasa loob ng mga sinehan ang mga taong kumakain sa mga restaurant, nagsa-shopping sa malls at namamasyal sa mga park pero, ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Everyday I Love You ay SRO, punung-puno, lalo na ng mga sumunod na araw makatapos itong mag-open sa mga sinehan at naging word of mouth ang kagandahan at nakakakilig na movie.

Kung dati ay si Enrique ang nagdadala sa kanilang tambalan, ngayon ay on equal footing na sila ni Liza.  Malaki ang bentahe ni Liza dahil bukod sa maganda siya ay marunong pang umarte. Keri niyang mag-drama at comedy. At kahit walang kissing scene nagagawa nila ni  Enrique na maitawid ang kanilang mga nakakakilig at romantic scenes sa movie. Ang galing nga dahil walang nanonood sa sinehan ang hindi nagri-react favorably. Maingay nga sa loob ng sinehan, ingay na nalilikha ng mga taong kinikilig.

At sino ang nag­sabing hindi pwedeng mag-Darna si Liza dahil kulang sa sukat ang kanyang boobs? Hindi ito true! Hindi man siya ang tipo na proud na ipakita ang kanyang cleavage pero kaya niyang punuin ang bra part ng costume ni Darna without too much effort, kapag ipinasya ng Kapamilya network na sa kanya i-award ang role na binitawan ni Angel Locsin at pinag-iinteresan din ng maraming Kapamilya actresses.

Kahit nauna naman siya kay Alden Louise kawawa sa AlDub fans

Sa kabila nang tinatamong kasikatan ng kanyang dating ka-loveteam na si Alden Richards at sa tanggpin man o hindi ng AlDub fans ang katotohanang bago si Maine Mendoza ay naging sila ni Alden, kahit sa trabaho lamang.

Kaya ito ang gustong ipagdiinan ni Louise delos Reyes na sa trabaho lamang sila nagkaroon ng ugnayan ni Alden kaya walang dahilan para i-bash siya ng fans nito at maging ng fans nila ni Yaya Dub dahil hindi siya threat sa dalawa. Work lamang ang naglapit sa kanila ni Alden.

Samantala, may bagong pinagkakaabalahan ang Kapuso actress ngayon. Ito ay ang panganga­siwa sa marketing needs ng restaurant nila ng isa pang Kapuso artist, ang North Wing. Nagsisilbi dito ng steak, pizza, pasta at syempre, chicken wings.

May iba pa siyang plano para sa negosyo. May kinalaman ito sa kurso na kanyang tinapos sa kolehiyo na Foreign Service.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN LOUISE

ALDEN RICHARDS

ALL SAINTS AND ALL SOULS DAY

ANG

ANGEL LOCSIN

DARNA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

EVERYDAY I LOVE YOU

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with