^

PSN Showbiz

Singer-actress na may kaya ang pamilya, habit na ang mangnenok!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Akalain n’yo ‘yun? Aksidente lang ang lahat. Wala lang. Nagkukuwentuhan isang gabi ang malaking grupo ng mga taga-showbiz nang biglang matuon ang kanilang atensiyon sa ipinalalabas na programa sa TV ng bar kung saan sila nagkakasayahan.

Tanong ng isang miron, “Buhay pa pala siya? Gumaling na kaya siya? Hindi na kaya siya nagiging problema ng production?”

Sagot ng katabi nito, “Puwede! Dahil kung hindi, e, wala nang production na kukuha sa kanya! Siguro naman, sana naman.”

Alam nilang lahat ang kuwento tungkol sa singer-actress na gumaganap na kontrabida sa palabas. Meron siyang nakaraan. Palagi siyang isinusumbong nu’n ng kanyang mga kasamahan sa mga tagapamahala ng show dahil ninanakawan sila ng singer-actress.

Clepto ang female personality. Ilang beses na siyang nahuhuli sa akto ng pagnanakaw ng kanyang mga kap­wa artista. Nu’ng minsang mawala ang branded na wallet ng isang young actress ay nakita ‘yun ng production sa CR ng bahay na pinagteteypingan nila.

“Kinuha lang niya ang lahat ng pera, tapos, inilagay niya sa mismong flush ng bowl. Basa ang lahat ng cards, ang mga ID, pera lang ang pinag-interesan niya,” kuwento pa ng isa sa umpukan.

Minsan naman ay ninenok niya ang mamahaling cell phone ng isang aktor. Nagkukuwentuhan lang sila habang breaktime, pero bigla nang nawala ang tele­pono ng aktor, may nakakita sa singer-actress na binabaklas niya ang phone para alisin ang SIM card nito.

Kumalat nang kumalat ang kuwento, hanggang sa makarating ‘yun sa mga production staff, banned ang singer-actress sa lahat ng programa. Matagal siyang nawala, bigla na lang sumulpot uli, kaya napapanood na naman ngayon sa mga serye.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, kasi, galing siya sa isang mayamang pamilya, kaya bakit pa siya nagkakaganyan? Ma­tingger-Z siya, ang galing-galing niyang mangnenok!” sabi pa ng isang source.

Ubos!

Alden at Yaya Dub noon pa may konek

Siguro nga ay nakatakdang magkakilala at sumikat ang love­team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Hindi pa man kasi sila nag-aartista ay meron na silang kuneksiyon sa isa’t isa.

Nag-aral si Alden sa De La Salle-Canlubang, si Yaya Dub naman ay nagtapos ng Culinary Arts sa College of St. Benilde, magkapatid ang mga eskuwelahang pinasukan nila.

Puwede namang ibang network ang kumuha kay Yaya Dub dahil sa kanyang pagda-dubsmash sa YouTube na pinagpistahan, pero sorry na lang, mas mabilis gumiling ang utak ng mga taga-TAPE, Inc. na nakapangboldyak sa ibang istasyon.

Kinuha ng Eat Bulaga si Maine Mendoza, alaga naman ng GMA Artist Center si Alden, kaya silang dalawa ang pinagtagpo ng kapalaran sa tamang panahon.

Ngayon ay hawak na nila ang trono bilang nangungunang loveteam, sila ang kinakikiligan at hinahangaan ng ating mga kababayan, ang pinakamabentang endorser ng mga produkto na ikinalungkot ng maraming sikat na artistang hindi na pinag-renew ng kontrata ng maraming kumpanya.

Ang pinakahihintay ngayon ng AlDub Nation ay ang totohanan nang pagkakaroon ng relasyon nina Alden at Yaya Dub. Lalo na ngayon, meron nang makasaysayang singsing na hawak si Alden, ayon sa sulat ng mga ninuno ni Yaya Dub na binasa ng binata ay ibibigay lang ‘yun ng may hawak sa babaeng espesyal sa kanya at itinitibok ng kanyang puso.

Aysus, habang binabasa ni Alden ang sulat ay para na namang sinusundut-sundot ng aspile sa kakiligan ang kanilang mga tagahanga, hindi na naman magkamayaw sa studio ang AlDub Nation sa katitili at kapapadyak.

Ibang klase talaga ang kalyeserye.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ARTIST CENTER

COLLEGE OF ST. BENILDE

CULINARY ARTS

LANG

MAINE MENDOZA

MGA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with