^

PSN Showbiz

Extension ng Pangulo Kris nai-stress sa tambak na problema ni P-Noy

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sinasabing hindi lamang ang trabaho niya ang nagpapa-stress kay Kris Aquino kundi ma­ging ang mga reklamo at problema kay P-Noy at sa buong pamahalaan na idinadaan niya sa Instagram posts. Hindi naman niya pwedeng dedmahin ang mga ito dahil karamihan sa problema nila ay talagang nangangailangan ng solusyon kundi ang kapatid niyang pangulo ng bansa ang mapupulaan.

Ngayon lamang napagtatanto ni Kris na hindi biru-biro ang maging presidential sister na kilalang tulad niya dahil nagsisilbi siyang eks­tensyon ng pangulo.

Balik-trabaho si Kris na ipinapasasalamat ng mga manonood ng KrisTV.

Samantala, gawin na sana niya ang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie kasama si Derek Ramsay bago pa sila magahol sa panahon. Alam na ba niya na may alok kay Mayor Herbert Bautista na initsapwera niyang maging leading man sa All You Need Is Pag-ibig para makasama sa movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

Mariel binalikan ang friendship nila nina Toni at Bianca

Magandang trabaho kay Mariel Rod­riguez-Padilla ang pagbabalik niya sa reality show na PBB (Pinoy Big Brother) 737. Mas bibilis pa ang healing process niya makaraang makunan sa kanyang triplets.

Mukha namang nawala na ‘yung kumpetisyon sa kanilang tatlo. Pare-pareho na kasi silang may mga asawa nina Toni Gonzaga-Soriano at Bianca Gonzales-Intal.

They will again be a formidable trio of female hosts na makatutulong sa kanilang pag-angat sa kanilang karera bilang TV host at sa PBB.

Sophia lumelebel na kina Maja, KC, Liza, at Julia

Maswerte na si Sophia Andres dahil ang mga kalaban niya na pinagpipilian para makuhang Darna ay maituturing nang mga made - Maja Salvador, KC Concepcion, Liza Soberano, at Julia Montes.

Slowly ay nagagawa niyang i-assert ang sarili sa mga role na tinatanggap at matagumpay na naiiwas ang sarili sa mga problema na hatid ng maagang pakikipagrelasyon. “Mahirap ma-sidetracked, baka hindi ko ma-reach ang goal ko,” paliwanag niya sa matagumpay niyang pag-iwas na makipag-relasyon.

Alonzo karibal ni Onyok kay Darna

Huwag nang intrigahin si Coco Martin sa sidekick niyang bata sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Simon Pineda na gumaganap ng Onyok. It was thru Coco kaya nakasama ang batang taga-Laguna sa serye at nga­yon ay best of friends sila ng hari ng teleserye ng ABS-CBN.

Mukhang si Simon ang magsisilbing karibal ni Alonzo Muhlach sa pagiging child star sa Kapamilya Network, sila ang mahigpit na pinagpipilian para maging Ding ng sinumang mapipiling Darna.

vuukle comment

ACIRC

ALL YOU NEED IS PAG

ALONZO MUHLACH

ANG

ANG PROBINSYANO

BIANCA GONZALES-INTAL

COCO MARTIN

DARNA

DEREK RAMSAY

MGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with