^

PSN Showbiz

Alden at Maine tiba-tiba sa rami ng endorsement

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nakakalula talaga ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil napakarami na nilang TVC (TV commercial) na umeere ngayon lalo na sa Eat Bulaga.

Instant millionaire pareho sina Alden at Maine (Yaya Dub) dahil sa kanilang phenome­nal loveteam na pumukaw ng attention hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Bukod sa napakarami nilang TV endorsements at personal appearances, in-demand din ang dalawa sa mga covers ng iba’t ibang glossy magazines.

Kayo na!

Liza hindi iniwan si Enrique kahit minalas sa intriga

Mukhang hindi nakaapekto ang negative issues na kinasangkutan ni Enrique Gil kamakailan lamang dahil pumatok sa takilya ang se­cond team-up nila ni Liza Soberano sa pelikula, ang Everyday I Love You na idinirek ni Mae Cruz-Alviar at tinampukan din ni Gerald Anderson under Star Cinema.

Pumalo umano ang Everyday I Love You ng P16-M sa opening day pa lamang ng pelikula.

Malamang na inihahanda na rin ng ABS-CBN ang magi­ging follow-up teleserye ng dalawa matapos ang kanilang matagumpay na TV series, ang Fore­vermore na siyang naghatid sa kanila sa tagumpay bilang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon.

Speaking of Liza and Enrique, marami ang na­niniwala na meron na ring espesyal na unawaan ang dalawa na malamang aminin nila when Liza turns 18 in January.

In fairness to Liza, she stood by Enrique nang masangkot ang huli sa kontrobersiya.

Anak ni Gabby na si Gabrielle gustong makilala sa sariling sikap

Aminado ang half-sister ni KC Concepcion na si Gabrielle Ibuna Concepcion na malaki umano ang advantage para sa kanya ng pagiging anak ng isang sikat na actor na si Gabby Concepcion at pagiging (half) sister ng isang sikat na personalidad na si KC, pero umaasa siya na makilala sa sarili niyang merito bilang si Gabrielle C.       

Gabrielle C. is trying her luck sa recording at showbiz sa tulong ng kanyang bagong manager, ang dating miyembro ng That’s Entertainment turned concert producer na si Jo-Ed Serrano.

Kamakailan lamang ay lumagda si Gabrielle C. ng kanyang bagong record deal with Warner Music at inihahanda na ng record label ang kanyang bagong album.

All out naman ang suporta kay Gabrielle ng kanyang inang si Grace Ibuna.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

EAT BULAGA

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

EVERYDAY I LOVE YOU

GABBY CONCEPCION

GABRIELLE C

GABRIELLE IBUNA CONCEPCION

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with