^

PSN Showbiz

Direktor na kloseta hindi nagtagumpay sa masamang balak sa indie actor; Pauleen solong inaasikaso ang bahay nila ni Vic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maganda ang feedback sa guesting ng komedyanteng si Boobsie Wonderland sa Celebrity Bluff nung nakaraang Sabado.           

Naiintriga tuloy kung wala na ba si Brod Pete sa grupo ng gangnamm kasama sina Jose Manalo at Boobay.

Pero bukas ng gabi sa Celebrity Bluff ay kasali na naman si Brod Pete, pero hindi lang sure kung tuluy-tuloy na siya sa gangnamm dahil ang dinig namin may problema siya sa naturang comedy game show.

Maglalaro bukas ang magpa-partner na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, Ruru Madrid at Thea Tolentino, at Ken Chan at Jeric Gonzales.

PAK: Isa sa nasagap namin nung sandaling tumambay kami sa QCinema Indie Film Festival at ang kuwentong ginapang daw ng isang direktor ang seksing indie actor na kasali sa pelikulang dinidirek niya.

Natsismis lang ito sa amin at hindi namin makumpirma sa isa sa kanila dahil hindi naman bukelya na girlita si direk. Si indie actor naman ay tahimik lang at hindi ito gaanong nakikita sa mga showbiz gathering.

Ang tsika lang sa amin, nag-shoot daw sila out of town at nagkainuman pagkatapos ng shooting.

Nakatulog na sila at hindi aware si aktor na katabi pala niya si direk. 

Kinaumagahan, naalimpungatan na lang si aktor na gumagapang na raw ang kamay ni direk. Napabalikwas si aktor at umiwas ito. Hindi umubra ang kamay ni Hilda.

Nang sumunod na shooting, panay na raw ang reklamo ni direk sa akting ni aktor, dati all praises siya kay aktor, ngayon ay irita na siya.

BOOM: Ang tantiya ni Pauleen Luna ay puwede nang lipatan ang bagong bahay na ipinatayo nila ni Vic Sotto sa December.

Solong inaasikaso muna ito ngayon ni Pauleen dahil ayaw na raw niyang makaabala pa sa pagsu-shooting ni Bossing Vic.

Gusto man daw ni Bossing na tumulong sa pag-asikaso nahirapan na siya dahil puspusan na ang shooting, “I’m sure, if he’s free tutulong din siya. Pero sa schedule niya sobrang hectic eh. Ayoko ng makadagdag pa. Gusto ko pa-approve approve na lang siya,” pahayag ni Pauleen.

Pero kapag magkasama naman daw silang dalawa, tungkol sa paghahanda sa kasal ang kanilang pinag-uusapan at sobrang excited na raw silang dalawa.

“We’re both very excited. Palagi kaming nagdi-daydream. Palagi namin pinag-uusapan kung ano ang mangyayari,” sabi pa nito.

Baka sa susunod na buwan ay ia-announce na raw nila ang buong detalye ng kasal lalo na ang eksaktong date.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR ABRENICA

ANG

BOOBSIE WONDERLAND

BOSSING VIC

BROD PETE

CELEBRITY BLUFF

INDIE FILM FESTIVAL

NBSP

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with