^

PSN Showbiz

Marian naghihintay na sa panganay, pahinga na sa showbiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Last day na ni Marian Rivera sa Sunday PinaSaya noong Sunday dahil nag-maternity leave na ito dahil naka-schedule sa second week ng November ang pagsisilang niya kay Baby Maria Letizia.

Binigyan ng cake, flowers at well wishes ng mga kasama sa show si Marian dahil ilang weeks din siyang hindi nila makakasama.

Sa pagbabalik ni Marian sa show, tiyak payat na uli ito, makakapagsayaw at makikipagkulitan na. Wala pang sinasabi ang TAPE Inc., at GMA 7 kung sino ang pansamantalang ipapalit habang wala si Marian.

Na-post ni Marian sa Instagram (IG) na nagla-Lamaze class sila ni Dingdong Dantes for easy delivery.

Pinagpe-pray din ng fans ni Marian at fans nila ni Dingdong na maging safe ang kanyang panganganak.

Klik din sa followers ni Marian ang pinost na picture ni Dingdong habang personal na inaayos ang pink nursery ni Baby Z.

Bongga si Baby Z dahil ang blanket ay Hermes at may butterflies sa room na favorite ni Marian.

Andre natutuhog sina Yassi at Barbie

Ang suwerte ni Andre Paras dahil tanggap ng fans ang dalawa niyang loveteam. Kung sa TV, klik ang love team nila ni Barbie Forteza sa The Half Sisters, sa movie, sila naman ni Yassi Pressman ang gusto ng fans.

Ang maganda pa, hindi nag-aaway ang fans ng dalawang love teams, kanya-kanya sila ng suporta, kaya may Team Yandre (Yassi and Andre) at Team AnBie (Andre and Barbie.)

Anyway, second movie na nina Andre at Yassi ang Wang Fam na showing sa November 18 at kasunod nito ang launching movie na silang Girlfriend for Hire mula pa rin sa Viva Films.

Nangako ng suporta ang Yandre fans sa Wang Fam at mga susunod pa nilang pelikula.

Ibinalita ni Yassi na nag-shoot sila ni Andre ng music video para sa isa sa theme song ng Wang Fam na sila ang kumanta kasama si Alonzo Muhlach. Hindi binanggit ni Yassi ang title ng song nilang tatlo.

Sa tanong ng press kung hindi ba pressured sina Andre at Yassi na sila ang sinasabing next in line na pasisikatin ng Viva Films after James Reid and Nadine Lustre?

“Hindi kami napi-pressure, they are our friends. We are thankful for the gift (movie) and we are here to entertain people, just have fun,” sagot ni Andre na sinundan ni Yassi ng  “Napi-pressure kami hindi para pantayan ang JaDine, friend namin sila.”

Mark nagpapaturo kina Nora at Bembol

Sa November 16 na ang pilot ng Little Mommy na kasama sa cast si Mark Herras bilang si Peter na kapa­tid ni Kris Bernal.

Alternate ang taping ni Mark sa Dangwa na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez at Little Mommy, hindi pa naman siya nalilito at ipinaaalala ng staff ng dalawang shows kung saan taping siya naroon.

Sobrang thankful si Mark to be given the chance na maka-eksena sina Nora Aunor at Bembol Rocco sa Little Mommy na gumaganap na lolo at lola nila ni Kris.

Kapag scene na niya at nagde-deliver siya ng lines, nakikinig sina Nora at Bembol at kung may hindi tama ay tinuturuan siyang itama.

Aling Dionisia may pang-Hollywood na pelikula na

Mauunahan pa ni Aling Dionisia Pacquiao ang ibang local artists na magkaroon ng international movie dahil ibinalita ni Fernando Carillo na may cameo si A­ling Dionisia sa movie nila ni Manny Pacquiao.

Hindi pa lang konkreto kung ano ang magiging role ni Aling Dionisia sa still untitled movie.

Sa picture nila ni Aling Dio­nisia na pinost ni Fernando sa Instagram (IG), sinabi nitong matagal na niyang gustong makilala si Aling Dionisia at nangyari na nga bago siya bumalik sa California.

Naaliw lang kami dahil isa sa follower ni Fernando ang gusto siyang makilala at tinanong kung may Skype at Viber ito. Parang hindi lang friendship ang habol ni girl.

vuukle comment

ACIRC

ALING DIONISIA

ANDRE

ANG

BABY Z

HINDI

LITTLE MOMMY

MARIAN

NBSP

WANG FAM

YASSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with