^

PSN Showbiz

OTOWLista dumagsa, JaDine nagtala ng record breaking mall show

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Punong-puno ang bawat floor ng Market! Market! noong Linggo (Oktubre 25) dahil sa pagdagsa ng tinatansyang 10,000 OTWOListas na abot langit ang ligaya sa pagkakita nila kay James Reid, Nadine Lustre, at ng buong cast ng hit teleserye na On the Wings of Love para sa Spread The Love Tour.

Ang Spread The Love Tour ang paraan ng hit teleserye para pasalamatan ang kanilang libu-libong fans na sinusubaybayan ang kwento nina Clark at Leah na nagpanatili sa On the Wings of Love na maging bahagi ng consistent top-rating shows nationwide.

Sa mall show, nagpasikat ang bawat miyembro ng cast ng serye sa kanilang performances para makalikom ng donasyon sa Show The Love, Kapamilya,  ang relief drive ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Lando.

Todo tili ang OTWOListas sa pagkanta nina James at Nadine ng On the Wings of Love at Say You’ll Never Go habang nilalapitan ang audience at halos yumanig rin ang venue dahil sa lakas ng sigawan nang dalawang beses mag-kiss sina James at Nadine para bigyan ang hiling ng fans.

Naging saksi rin ang OTWOListas sa siksik na hugot na live spoken word poetry performance ni Juan Miguel Severo (Rico), ang artist at playwright na matagumpay nang nakikilala dahil sa kanyang mga tula na nagiging viral.

Intense naman ang special dance showdown ng magpinsan at magkaribal na sina Clark (James) at Jigs (Albie Casino) sa mall show at hindi rin nagpahuli sa pagpapakilig sina Tiffany (Bianca Manalo) at Tolayts (Nico Antonio).

Maging ang child star na si Nhikzy Calma (Gabby) ay napahanga ang mga OTWOLista sa kanyang dancing skills ala Michael Jackson.

Mas lalo ring natuwa ang libu-libong OTWOLista sa pagdating nina Cherry Pie Picache (Tita Jack), Nanette Inventor (Lola Pachang), Jason Francisco (Cullen), Andrei Garcia (Jordan), Laiza Comia (Jenny), Joel Saracho (Mama Lulu), Kapitana (Geraldine Villamil), Benj Manalo (Axl), at Rafael Sudayan (Paeng) na nakisaya sa isang game kasama ang piling fans mula sa audience.

Maging ang mga director na sina Jojo Saguin at Antoinette Jadaone ay napasabak sa mall tour at na-hotseat sa mga tanong ng mga OTWOLista tungkol sa magiging takbo ng pag-iibigan nina Clark at Leah.

Ipinagdiwang din ni Nadine ang kanyang ika-22 na kaarawan sa Spread The Love Tour at lubos siyang nagpasalamat sa mga fans na matiyagang pumila bago pa man magbukas ang mall.

Samantala, nanguna rin sina James at Nadine sa paglunsad ng otwolista.com, ang official website para sa mga OTWOLista kung saan makikita nila ang mga never-before-seen photos at videos, special facegram entries nina Clark at Leah, at eksklusibong treats at iba’t ibang activities.

Ayon din sa The ABS-CBN Store, na-doble at nahigitan ang kanilang inaasahang sales record para sa On the Wings of Love  merchandise at official scrapbook.

vuukle comment

ALBIE CASINO

ANDREI GARCIA

ANG

ANG SPREAD THE LOVE TOUR

ANTOINETTE JADAONE

LEAH

LOVE

MGA

NADINE

ON THE WINGS OF LOVE

SPREAD THE LOVE TOUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with