^

PSN Showbiz

Alonzo talo pa ang tindahan ng laruan sa rami ng koleksyon!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mahihiya ang isang pipitsuging toy store kung ikukumpara sa rami ng laruan ni Alonzo Muhlach. Hindi lang ito ganito karami dahil artista siya’t kumikita. Maski naman nung hindi pa siya artista ay talagang binubusog na siya ng kanyang mga magulang sa mga laruan. At may kunswelo naman sila sa kanya dahil maingat si Alonzo sa kanyang mga laruan.

Kapag nakakatapos na siyang maglaro ay talagang iniimis niya ang mga ito at ibinabalik sa kanilang lalagyan. Kaya hanggang ngayon, maayos at hindi pa nasisira ang mga ito. Animo’y may tindahan siya ng laruan dahil ayos na ayos ang pagkakatago nito sa mga eskaparate.

Pero hindi panay laro ang inatupag ng limang taong gulang na child actor. Sa kabila ng kaabalahan nito sa pelikula, TV, at maging sa paggawa ng komersyal, namimintina pa rin ni Alonzo ang mataas niyang standing sa La Salle kung saan ay nasa kindegarten siya. First honor siya bago napunta sa kindergarten, at malamang maging honor student din bago tumuntong ng grade 1.

Si Alonzo ang endorser ng Frabelle Bossing Hotdog na ikinatutuwa ng may-ari dahil bagay na bagay ito sa kanya. Paborito na nila ng kanyang amang si Niño Mulach ang Frabelle Bossing bago pa siya mag-artista.

Miho pinagbigyan Dawn may itinatagong kabutihan

Mukha namang ‘yung apat pa rin na bet ko ang bubuo ng Big 4 ng PBB (Pinoy Big Brother) 737. Biglang nawala ang inis ko kay Dawn at napalitan ito ng paghanga nang payagan niyang magsimula silang muli ni Miho ng kanilang challenge dahil nagkamali agad ang huli at pinagwagian niya para mapili siyang para unang bumuo ng Big 4.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG

ATILDE

FRABELLE BOSSING

FRABELLE BOSSING HOTDOG

LA SALLE

MIHO

PINOY BIG BROTHER

SI ALONZO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with