^

PSN Showbiz

Piolo galit sa magnanakaw na pulitiko

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Sabi ni Piolo Pascual dapat daw ang next president ng Pilipinas ay ‘di corrupt. Dapat lang naman talaga, pero paano ba ito maiiwasan? Nakakatakaw talaga yata ang kapangyarihan at pera, lahat tinatalo.

‘Yan din ang dasal ng maraming botante na bago mag-eleksyon ay talaga namang namimili ng kandidato nila, pero kapag nakakita na ng pera kahit gaano kaliit ay nakakalimutan na ang prinsipyo.

Dala lang ba ito ng kahirapan o talagang wala tayong paki sa ating bansa o sa magiging kinabukasan ng ating bansa?

Costume ng mga bata tuwing Halloween dapat bantayan

Araw na naman ng mga patay at santo. Makakakita na naman tayo ng maraming bata na nagkalat sa malls at kalsada at nagti-trick or treat. Happy sila pero mas masaya ang parents na nakasunod sa kanila lalo na sa mga costume na suot ng mga bata.

Cute na cute sila sa mga bata na ang karamihan ay nakasuot ng damit ng demonyo at kumpleto pang may sungay, buntot, at kalawit.

Pero bakit naman demonyo, bakit hindi costume ng santo o kaya ay mga fairy tale characters? Huwag naman demonyo!

Totoong kahulugan ng Pasko ‘di dapat kalimutan

Pagkatapos ng Undas, Pasko naman. Huwag na tayong maging magarbo pa. Basta may isang parol sa bahay ay okay na. Napakahirap ng buhay ngayon. Basta huwag niyong kalimutang magsimba dahil birthday ‘yun ni Jesus. Merry Christmas sa inyong lahat!

vuukle comment

ARAW

DALA

DAPAT

HUWAG

MAKAKAKITA

MERRY CHRISTMAS

MGA

NAKAKATAKAW

NAMAN

NAPAKAHIRAP

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with