^

PSN Showbiz

Singer-actor at magandang aktres na ka-loveteam maghihiwalay na ng landas?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakitang nakikipag-meeting ang talent manager ng isang singer-actor (SA) sa network kung saan nakakontrata ito. Siguradong may kinalaman sa kontrata ni SA dahil may tsikang nag-expire na ang kontrata nito at nagpaplanong lumipat ng network.

Dahil siguradong walang magsasalita sa mga nasa meeting, hintayin na lang natin ang mga susunod na mangyayari. Kapag natuloy lumipat si SA, ibig sabihi’y epic fail ang meeting.

Isa pang maganda ‘pag hindi natuloy umalis sa network si SA ay tuloy ang love team nito sa magandang aktres.

Alagang aso parang baby kung kargahin ni Tom 

Isinama ni Tom Rodriguez sa presscon ng No Boyfriend Since Birth na showing sa November 11 ang pet dog niyang Yorkie na Bubbly ang pangalan. Binibitbit ni Tom ang aso sa trabaho kapag maaari dahil madalas ay mag-isa lang ito sa condo niya. Para masabing may tao sa condo, binubuksan lang ni Tom ang TV at aircon.

Nasanay na yata si Bubbly na mag-isa dahil ayaw nitong magpahawak sa ibang tao at sa handler lang ni Tom nagpapakarga. After ng presscon at interview kay Tom sa TV, agad nitong nilapitan si Bubby at kinargang parang bata.

Magkasundo sa maraming bagay sina Tom at Carla Abellana pati sa pagiging dog lovers dahil marami ring alagang aso ang aktres.

Anyway, napansin ng press na mas open na si Tom na pag-usapan kung anumang relasyon meron sila ni Carla. Ang aktor ang nagsabing “exclusively dating” sila and that they have a very good understanding.

Ang dating tuloy sa press, si Carla ang may gusto na ‘wag muna nilang aminin ang kanilang relasyon at naiintindihan siya ni Tom.

Janine pinagtawanan ang balikan ng kanyang ama at ex na si Tina Paner

Gulat ang unang reaction ni Janine Gutierrez nang tanungin namin sa tsismis sa amang si Ramon Christopher at Tina Paner at kasunod noon ang pagtanggi sa isyu. “Hindi totoo ‘yun, natawa nga si Papa. Sasabihin ko sa kanya na tinanong ako ng press tungkol dyan,” sabi ni Janine.

Nang tanungin namin si Janine kung pabor siya sakaling totoo ang isyu sa ama at kay Tina, natawa ito ng malakas at hindi kami sinagot.

Anyway, masaya si Janine na siya ang napili ng GMA News & Public Affairs na magbida sa morning series na Dangwa na magsisimulang umere sa Monday, October 26, 11 a.m., sa direction ni Adolfo Alix, Jr.

Sobrang thankful din si Janine dahil hindi na niya kinailangang mag-audition sa role ni Rosa.

Sina Mark Herras at Aljur Abrenica ang leading men ni Janine at alam niyang na­lungkot ang fans ng love team nila ni Elmo Magalona. Umaasa siyang maggi-guest sa isang episode ang boyfriend.

Niño mas excited pa sa pelikula ng anak

Katuwa si Niño Muhlach dahil kahit hindi kasama sa pelikulang Wang Fam ng Viva Films ay masipag i-promote ang pelikula dahil kasama sa horror-come­dy movie ang anak na si Alonzo Muhlach. Pati poster at schedule ng mall tour ng cast ng movie ay pino-post ni Niño sa kanyang Instagram (IG) account.

May countdown din si Niño hanggang sa showing ng pelikula sa November 18 na nasa direction ni Wenn Deramas.

Filipino version daw ang Wang Fam ng Addams Family at malalaman kung totoo ito ‘pag pinanood na ang pelikula sa nabanggit na petsa.

 

vuukle comment

ACIRC

ADDAMS FAMILY

ADOLFO ALIX

ALJUR ABRENICA

ANG

ATILDE

DAHIL

JANINE

TINA PANER

TOM

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with