^

PSN Showbiz

Pokwang nasilip ang puwet at lawit ni Benjie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pa nagkaroon ng presscon kahapon ang Wang Fam ng Viva Films, hindi ko malalaman na nagpakita ng puwet si Benjie Paras sa love scene nila ni Pokwang.

Ang Wang Fam director na si Wenn Deramas ang nagbuking sa presscon tungkol sa kapilyuhan na ginawa ni Benjie. Sa kasamaang-palad, hindi mapapanood sa pelikula ang eksena dahil for general patronage ang Wang Fam. Sorry na lang sa gays and girls na type na ma-sight ang butt exposure ni Benjie.

Simple lang ang explanation ni Benjie Paras tungkol sa kapilyuhan niya, gabi na raw nang kunan ang love scene nila ni Pokwang kaya hinubad niya ang suot na boxers shorts para pampagising sa lahat.

Nagbibiro lang si Pokwang nang sabihin nito na tatlo ang hita ni Benjie na nakita niya pero sineryoso ng mga reporter ang kanyang joke.

Comedy movie ang Wang Fam na naging sexy ang publicity slant dahil sa daring act ni Benjie.

Alonzo pinaka-behave sa Wang Fam

Starring sa Wang Fam ang child actor na si Alonzo Muhlach na bibung-bibo at masyadong hyper kaya binibiro na pinaka-behave sa cast ng pelikula.

Si Alonzo ang baby ng lahat dahil sa kanyang kakulitan. Bidang-bida si Alonzo sa trailer ng Wang Fam at magiging bida na rin siya sa sariling pelikula na sisimulan ang shooting sa January 2016.

Ang Viva Films ang magbibigay kay Alonzo ng launching movie at si Wenn Deramas ang direktor. Remake ng isang old blockbuster film ni Niño Muhlach ang launching movie ni Alonzo kaya mag-expect tayo na kasama rin sa project ang former child wonder ng Philippine movie industry.

Direk Wenn pitong taon hinintay si Pokwang 

Feeling lucky and blessed si Pokwang dahil hinintay ni Wenn Deramas ang kanyang availability.

Pitong taon na ang nakalilipas mula nang maisip ni Wenn na ibigay kay Pokwang ang lead role ng Wang Fam pero hindi kaagad natuloy ang project dahil may kontrata sa Star Cinema ang comedienne.

Hindi makapaniwala si Pokwang na tutuparin ni Wenn ang pangako na binitawan noong 2008.

Si Richard Yap ang original choice bilang leading man ni Pokwang pero hindi natuloy ang participation ng aktor. Ibinigay kay Benjie ang project at blessing in disguise ang nangyari dahil bagay na bagay sa kanya ang karakter ni Bu Wang, ang love interest ni Pokwang sa Wang Fam.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG

ANG VIVA FILMS

BENJIE

BENJIE PARAS

FAM

POKWANG

WANG

WANG FAM

WENN DERAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with