^

PSN Showbiz

John takot na takot magka-BF ang mga anak ng tulad niya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si John Estrada na mahirap ang pagiging ama para sa lima niyang anak kay Janice De Belen. Apat na babae at isang lalaki ang anak ni John sa aktres. “Masakit sa ulo, I’m taking one day at a time,” pabirong pahayag ni John.

“But don’t get me wrong Kapamilya, ang babait ng mga anak ko. I’m so blessed and I’m so happy and I’m so proud of them. Siyempre inevitable naman ‘yung magkaka-boyfriend sila, mag-aasawa sila. Parati kong sinasabi I’m a jealous father and they know that,” pagtatapat ng aktor.

Hindi raw talaga maiwasan ni John na makaramdam ng selos sa tuwing makikita ang mga babaeng anak na kasama ang kasintahan.

Natatakot ang aktor na katulad raw niya ang lalaking makakatuluyan ng mga anak na babae. “’Wag naman ‘yung masyadong katulad ko. ‘Yung ibang parte na lang. Kasi ako iba eh, lalo na ‘yung panganay kong si Inah. ‘Pag nakikita kong may kasama, sabi ko, ‘Anak ko ‘yan! Bakit may kasamang iba ‘yan at may holding hands pa? Anak ko ‘yan brad!’ Para bang ‘yung attachment ko sa anak ko na you’re mine. So ‘yun ang mahirap i-let go,” pagbabahagi ni John.

Samantala, magkasama ngayon sa teleser­yeng Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzalaes at Daniel Matsunaga ang dating asawa ni John na si Janice de Belen at ang asawa ngayon ng aktor na si Priscilla Meirelles.

Wala naman daw problema kay John ang pangyayaring ito. “Yes, it’s work. Noong una parang huh? Talaga? But it’s work and my wife told me first time siya nag-taping with Janice na ma­galing talaga si Janice. Sabi ko, oo naman. I don’t think they’re friends but they’re civil and that’s good enough,” giit ng aktor.

“Me and Janice now, I think we’re starting to be friends,” dagdag pa niya.  

Mitoy hindi makapaniwalang makakasama si Gary sa concert

Excited na si Mitoy Yonting dahil makakapag-guest siya sa concert ni Gary Valenciano na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa October 30 at 31. Isang malaking karangalan daw para kay Mitoy na makasama sa isang pagtatanghal si Mr. Pure Energy na pinapangarap lang niya noon. “Medyo nakaka-excite. Noong araw lang ay ginagamit ko ang mga kanta niya sa trabaho ko bilang singer. Ngayon ay makakasama ko siya sa isang stage, sa isang concert pa talaga. I’m very proud, very honored,” nakangiting pahayag ni Mitoy.

“Hindi pa yata kami nagkakasama in one production, kahit sa ASAP, wala pa. Pero ngayon, first time at sa concert pa, may kanta kaming pagsasamahan. Isang malaking karangalan ‘yan, ‘di ko lubos maisip. Aminin natin na kung late bloomer mang tawagin, nagkaroon pa ng pagkakataon na makasama si Sir Gary V,” dagdag ng singer.

Ibibigay daw ni Mitoy ang lahat ng kanyang makakaya upang maging maganda ang gagawin sa concert. “Sa akin, kung ano lang ang lagi kong ginagawa, kung ano ang nagustuhan ng mga tao sa akin, ‘yun din ang ilalabas ko,” pagtatapos ni Mitoy.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

BE MY LADY

DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALAES

GARY VALENCIANO

ISANG

JANICE

JANICE DE BELEN

MITOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with