^

PSN Showbiz

Pati alalay na loyalista kinawawa, aktres bulag-bulagan sa BF na may kakaibang ugali

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal na palang umalis sa poder ng isang aktres ang napakatagal na niyang alalay. Halos lumaki na sa pagkandili ng kanyang alalay ang aktres kaya maraming nanghihinayang sa kanilang paghihiwalay.

Nakailang karelasyon na ang aktres na ang alalay pa rin ang kanyang kasama, walang problema sa kanilang samahan, nitong huli na lang nagkaroon.

Kuwento ng isang source, “Hindi kasi gusto ng alalay ang boyfriend niya. Marami siyang napapansin, kaso, mahal na mahal naman ng boss niya ang guy.

“Napansin ‘yun ng girl, kaya pinagpahinga na lang muna siya, humanap ng ibang PA ang boss niya. Feeling ng alalay, e, ipinagpalit siya ng aktres sa boyfriend niya,” kuwento ng aming impormante.

Kung sakripisyo ang pag-uusapan ay mahabang-mahaba na ang ipinaglingkod ng alalay sa aktres. Hindi naman kataasan ang kanyang suweldo pero talagang ipinakikipagpatayan ng PA ang kanyang boss na aktres.

Nu’ng minsang malaman nito na sinisiraan ng isang aktres ang kanyang boss ay nanugod ang alalay, nakipag-away sa naninira sa kanyang alaga, walang nakapigil sa kanyang pagtalak sa tsismosang aktres.

Pero ang lahat ay nabalewala nang dahil sa pag-ibig. Isinakripisyo ng aktres ang kanyang alalay para sa kanyang bagong mahal. Kinampihan ng aktres ang kanyang boyfriend.

Kuwento ng isa pang source, “Isang araw, kapag siya na mismo ang nakadiskubre sa tunay na ugali ng boyfriend niya, e, saka niya maaalala ang kabutihan ng alalay niya.

“Sa totoo lang, marami naman talagang nagdududa na ginagamit lang siya ng boyfriend niya ngayon. Bulag lang siya sa pag-ibig ngayon, pero siya mismo ang makaka-discover nu’n!” madiing kuwento ng aming source.

Ubos!

AiAi ipinagdarasal ng maraming pari kaya sinusuwerte

Maraming kaibigan namin ang masayang-masaya sa takbo ng career ngayon ni AiAi delas Alas. Mula sa pananahimik nang ilang panahon, ngayon ay buhay na buhay na naman ang karera ng Comedy Concert Queen, poste pa siya ng dalawang programa ngayon ng GMA 7.

Isang kaibigan ang nagpaalala sa amin, “Siguro, dahil sa mga pari na pinag-aaral niya. Sa pagkakaalam ko kasi, marami siyang tinutulungang magpapari. Maraming nagdarasal para sa kanya.”

Hanggang maaari ay ayaw na sanang ipagmakaingay ni AiAi ang malaking tulong na ginagawa niya para kay Jiro Manio, gusto na lang sana niyang sarilinin ang kanyang mga aksiyon, pero may dahilan kung bakit napipilitan siyang ilabas ang mga huling pangyayari sa buhay ng young actor.

“Siya naman kasi ang sentro ng tanong, siya ang pinakikibalitaan ng mga nagmamahal kay Jiro, kaya para isahan na lang, siya na mismo ang nagpo-post nu’n sa FB niya,” sabi ng isang malapit sa komedyana-TV host.

Hindi lang naririnig ng Comedy Concert Queen, pero ang dami-daming pumupuri sa kagandahan ng kanyang kalooban, ang ginawa niyang kabutihan para kay Jiro ay tinatatakan ng ating mga kababayan.

“Bibihira ang tulad ni AiAi. Maraming maperang artista, maraming sikat, pero kokonti lang ang concerned sa kapwa nila,” narinig pa naming papuri kay AiAi.

Bigla tuloy naming naalala ang pasasalamat na iniaalay kay AiAi ng kanyang mga kamag-anak sa Batangas. Para siyang buslo na hindi natutuyuan ng laman para sa kanyang mga kadugo.

Laging may butas ang kanyang palad sa pagpapalabas ng mga biyaya kaya may butas ding nakalaan para sa pagpasok ng regalo sa kanya ng kapalaran.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ALALAY

ANG

COMEDY CONCERT QUEEN

KANYANG

LANG

MARAMING

MGA

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with