^

PSN Showbiz

EB may babala! Bentahan ng tiket sa Tamang Panahon pinuputakti ng mga manloloko!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May babala ang Eat Bulaga sa lahat ng mga pupunta sa Philippine Arena sa October 24 para sa kanilang big show, ang Tamang Panahon.

Naglipana ang mga manloloko sa paligid kaya mahigpit ang bilin ng Eat Bulaga na huwag makikipagtransaksyon sa mga tao na hindi ninyo kilala. Bumili lamang ng Tamang Panahon tickets sa authorized outlets tulad ng Ticketworld. Huwag maniniwala sa mga hindi kilalang tao na tumatawag sa telepono ninyo o ginagamit ang social media para makaloko ng kapwa.

Tambalang AlDub hindi pa magtatapos  

“Patay na ang kalaban” ang sey ni Joey de Leon nang isa-isahin nito ang mga dapat abangan sa Eat Bulaga pagkatapos ng Tamang Panahon sa Philippine Arena. Huwag n’yo nang itanong ang kalaban na tinutukoy ni Papa Joey dahil bigay na bigay na ‘no?

Sinabi ni Papa Joey na marami pa ang aabangan sa kalyeserye ng Eat Bulaga, ang first Christmas, New Year, at Valentine’s Day together nina Alden Richards at Maine Mendoza.

To top it all, hindi dapat palampasin ang nalalapit na kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna na mukhang magiging wedding special ng Eat Bulaga.

Idinagdag pa ni Papa Joey na maaga ang umpisa ng Tamang Panahon sa darating na Sabado. Alas-diyes ng umaga ang simula ng programa at 11:30 a.m. ang live broadcast ng Eat Bulaga mula sa Philippine Arena.

Hindi lamang ang fans ng kalyeserye ang excited sa bonggang show ng Eat Bulaga sa October 24 dahil pati ang mga host ng number one noontime program, halos hilahin na ang araw.

Tickets mura at affordable!

Sorry na lang sa mga nanghihingi ng tickets para sa show ng Eat Bulaga dahil wala akong maibibigay.

Mura at very affordable ang presyo ng tickets kaya bumili na lang kayo dahil ang mga mahihirap na mag-aaral na Pinoy ang makikinabang.

Ipagpapatayo ng AlDub libraries sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang datung na kikitain ng Tamang Panahon show.

Ano ba naman ‘yung makatulong kayo sa ating mga kabataan na kapus-palad pero pag-asa ng bayan natin?

Derek tapos na ang problema sa ex-wife, anak nakasama na uli sa Dubai

Happiest father si Derek Ramsay dahil nagkita sila sa Dubai ng kanyang anak na si Austin.

Nangyari ang pagtatagpo ng mag-ama noong Linggo. Maligayang-maligaya si Derek dahil matagal na silang hindi nagkikita ng bagets mula nang lumipad ito sa Dubai para mag-aral.

Obvious na maganda na ang relasyon ni Derek sa ina ni Austin kaya pumapayag na ito na madalaw niya ang bagets.

Bagyong Lando hanggang Linggo pa raw

Mga pulitikong kakandidato sa 2016 panahon na para magpakitang-gilas

Nakakaloka naman ang balita na mananatili sa bansa natin hanggang sa Linggo ang maperwisyong bagyo na si Lando.

Marami na ang mga ari-arian na sinalanta ni Lando. Affected din ang showbiz dahil sa mga taping, presscon at meeting na nakansela.

Wish ko lang, mas mapaaga ang pag-alis ni Lando sa Pilipinas dahil masyado nang kaawa-awa ang mga kababayan natin na  naapektuhan ng pananalanta ni Lando.

Ngayon ko gustong makita na kumikilos ang mga pulitiko na kakandidato sa 2016 elections at nag-aambisyon na maluklok sa puwesto. Ito ang tamang panahon na ipamalas ninyo na kayo ang mga pinuno na dapat mahalal dahil may tunay na malasakit kayo sa mga nangangailangan.

vuukle comment

ANG

BULAGA

DAHIL

DEREK

DUBAI

EAT BULAGA

LANDO

MGA

PAPA JOEY

PHILIPPINE ARENA

TAMANG PANAHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with