^

PSN Showbiz

Kris at Derek nagkatuluyan na talaga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Matutupad ang wish ng fans nina Kris Aquino at Derek Ramsay na mapanood sa full length movie ang dalawa dahil sa balitang si Derek na ang leading man ni Kris sa MMFF entry ng Star Cinema na All You Need Is Pag-ibig.

Kabilang sa binanggit na kasama rin sa cast sina Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Xian Lim, Bimby, dalawang apo ni Ms. Charo Santos-Concio at Ian Veneracion.

Tsinek namin ang Instagram (IG) ni Kris kung may nabanggit na siya sa bagong cast ng entry ng Star Cinema sa MMFF, pero pinanindigan ang isina­got sa follower niyang “Please let me be obedient & not preempt @starci­ne­ma.”

Sam at Jennylyn pumatok!

Masaya sina Mother Lily, Roselle Monteverde at buong Regal Entertainment dahil kumita ang The PreNup movie na pinagtambalan nina Sam Milby at Jennylyn Mercado.

Nagustuhan ng moviegoers ang rom-com movie sa direction ni Jun Lana, ‘yun tipong lalabas ka ng sinehan na nakangiti dahil feel good ang movie.

Isang pelikula lang ang pinirmahan ni Sam sa Regal Entertainment, pero hindi naman siguro niya pahihirapan sina Mother Lily at Roselle kung sakaling offer-an siya ng isa pa o kahit dalawa pang pelikula.

Ikatutuwa ng fans nina Sam at Jennylyn kung sa next movie ni Sam ay si Jennylynpa rin ang makakapareha para tuloy daw ang kanilang kilig.

Next na aabangan ang MMFF entry ni Jennylyn na Walang Forever para makita kung may chemistry din sila ni Jericho Rosales.

Alden bonggang bongga ang launching ng album

Ang suwerte ni Alden Richards dahil sa dalawang malakas na TV show ang launching ng album niyang Wish I May at music video ng carrier single respectively.

Kahapon, sa Eat...Bulaga ang launching ng album at ang grand album launch ay ginawa kahapon din sa SM North Edsa Cinema 11.

This Sunday, launching naman ng music video ng carrier single sa Sunday PinaSaya.

Malakas na nga ang benta ng album at ilang weeks nang number one sa iTunes PH Top Albums, mas lalakas pa ang sales ng album dahil sa launching sa EB at launching ng music video sa direction ni Louie Ignacio.

Kung ire-release na single ang God Gave Me You, hindi na kailangang gumawa pa ng music video si Alden.

Mga kakandidato sa 2016 elections pagandahan na ng TVC

Pagandahan din ng TVC ang magiging labanan sa 2016 elections dahil malaki ang nagagawa ng maganda at malakas ang impact na TVC sa voters.

Nasulat na namin na maganda ang nakita naming TVC ni Cong. Manny Pacquiao na gawa ni Rico Gutierrez. Tatakbong senador si Manny.

Malakas din ang impact ng TVC ni Sen. Grace Poe na may batang babae na nag-dialogue ng “Ako po.” Simple, pero tumatak agad sa viewers.

Nalaman naming si Carlitos Siguion-Reyna ang gumawa ng TVC at apo ni Leo Martinez ang batang babae na pinalabas na batang Grace.

Anyway, tama ba ang nabalitaan namin na sa ilalim ng tiket nina Sen. Grace at Sen. Chiz Escudero tatakbong senador sina Edu Manzano at Manila Vice-Mayor Isko Moreno?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

CARLITOS SIGUION-REYNA

CHIZ ESCUDERO

JENNYLYN

MOTHER LILY

NBSP

REGAL ENTERTAINMENT

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with