^

PSN Showbiz

Chito type suportahan sa pagka-pangulo ang ‘mister’ ni Kris!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tuluy-tuloy ang pangangampanya ng mga supporters ng survivors ng Starstruck 6 para hindi malagay sa bottom.

Kung hindi natuloy ang tanggalan nung nakaraang linggo, ngayong araw ay meron na raw talaga, kaya tensyonado ang mga bata na effort ang ginagawa sa mga challenges na binigay sa kanila.

Sa susunod na challenges na haharapin nila ay may partisipasyon ang mga artistang nanggaling sa Starstruck. Abangan!

PAK: Madrama ang pagtatagpo ng dating beauty queen/actress na si Daisy Reyes at kanyang tunay na ama.

Nung kapanahunan ni Daisy ay wala siyang naipakilalang ama dahil hindi pa raw sila nagkaroon ng pagkakataong magharap o magkausap, kahit nakikita naman daw niya ito noon.           

May ideya naman daw siya kung sino ito, pero hindi pa raw sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap o magkaayos dahil sa nanay niya talaga siya lumaki.

Ngayon lang daw nagpakilala sa kanya ito at wala na siyang hinanakit. Wala na silang sumbatan at tinanggap ni Daisy ang kanyang tunay na ama at all-out ang suporta nito sa pagtakbo niya bilang alkalde ng Pateros.           

Kasama ni Daisy ang kanyang ama nang mag-file siya ng kanyang candidacy nung kamakalawa ng hapon.

BOOM: Ayaw banggitin ng kampo ng Parokya ni Edgar kung sino’ng presidentiable ang nag-alok sa kanila ng dalawang milyong piso para i-tweet lang ito palagi. Pero may ideya na kami kung sino itong tinutukoy nila, dahil natawa na lang ang kausap naming taga-Parokya nang binanggit namin itong kilalang presidentiable.

Ang sabi lang sa amin ng mga taga-Parokya ni Edgar, ang dami na raw pulitiko ang nag-alok sa kanila na ikampanya ang kanilang kandidatura pero tahasang tinatanggihan nila ito.

Very vocal ang soloist nilang si Chito Miranda na kay Duterte o Sen. Miriam Santiago ang suporta nila kahit walang bayad.

May pahabol pa si Chito sa kanyang tweet na okay din daw ‘yung nag-file ng candidacy na si Lucifer, o si Inter-Galactic, or ‘yung nagpapanggap daw na asawa ni Kris Aquino.

vuukle comment

ABANGAN

ANG

AYAW

CHITO

CHITO MIRANDA

DAISY REYES

KRIS AQUINO

MIRIAM SANTIAGO

NBSP

PAROKYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with