^

PSN Showbiz

Maja hindi pa ramdam ang ‘balikan’ nila ni Kim

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakakagulat na parang sobrang bilis ang pag-move on na ginawa ni Maja Salvador sa naging hiwalayan nila ni Gerald Anderson kumpara sa naging healing period ni Kim Chiu after ng break-up nila ng aktor.

Mas matagal din ang naging relasyon ni Kim kay Gerald kaysa sa naging relasyon nito kay Maja. ‘Yung tinahi-tahimik ni Maja matapos silang maghiwalay ni Gerald ay walang sinabi sa maraming magandang sinasabi niya hindi lamang sa kanyang ex kundi maging sa ina nito na inakala ng lahat na hindi boto sa kanya, pero pinasinungalingan niya sa pagsasabi na ito ang nagpalakas ng kanyang loob nu’ng may relas­yon pa sila ng aktor.

“Gerald is a nice person and his mom, siya ang nag-alaga sa akin nung kami pa ni Ge­rald. Kung totoo mang ayaw niya sa akin, hindi ko naramdaman ‘yun,” pagtatanggol niya sa mag-ina.

Hinahangad na lamang nito na magpatuloy ang pagiging okay nila ni Kim na alam niyang hindi madali, pero sinabi niyang nagsimula nang bumuti ang friendship nila.

Wala na siyang gustong balikang mga tampo o galit sa pinagraanan niya. Ang maganda ay maayos ang takbo ng kanyang buhay ngayon at ‘yun ang pinakamahalaga sa kanya.

Mayor Herbert iniwan ni Kris sa ere

Hindi na naman tuloy ang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Ibinalita ito ng presidential sister sa kanyang Instagram account sabay paghingi ng paumanhin sa mga producer ng pelikula na Star Cinema at sa direktor nitong si Antoinette Jadaone. “I am emotionally, physically and mentally not ready for... #hiyanghiya,” bahagi ng message niya.

Ang hindi pa malaman ay kung tuluy-tuloy na ang hindi paggawa ng pelikula o kukuha na lang ng ibang artista. Pero direkta mang umatras ito, siguro naman ay meron maaring makuhang pamalit ang MMFF committee.

Samantala, kung hindi magiging abala sa anumang pelikula si Mayor Herbert, magagampanan na niya ang pangangampanya niya sa kanyang muling pagtakbo para sa re-election niya sa pagiging mayor ng Quezon City. Ikatlo at huling termino na niya ito kung saka-sakali.

Pastillas Girl nalalabanan si Yaya Dub sa pagkawala ni Alden

May malaking bentahe si Pastillas Girl (Angelica Jane Yap) kay Yaya Dub (Maine Mendoza). Apektado ito ng malaki kapag wala sa Eat Bulaga ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards na lubhang napakaabala sa kanyang trabaho para sa Kapuso Network kung saan siya nakakontrata. 

Samatala, wala pang nahahanap na Mr. Pastillas si Angelica kung kaya wala pang sinasandalan na partner ang karakter na ginagampanan niya sa It’s Showtime, pero sa kabila nito ay patuloy siyang humahakot ng followers para sa kanyang sarili at lalo na para sa noontime show.

In fairness, hindi ipinababalikat sa kanya ang buong programa kundi isang segment lamang.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

KANYANG

LEFT

MAYOR HERBERT

NIYA

PASTILLAS GIRL

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with