^

PSN Showbiz

Felix Manalo ngayon na nakatakdang wasakin ang box-office records!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung gumawa ng kasaysayan ang pelikulang Felix Manalo ng Viva Films being the biggest-budgeted local movie at ang kauna-unahang pelikula na nagkaroon ng grand premiere night sa 55,000-seater na Philippine Arena na dinaluhan ng halos 50,000 attendees, magiba rin kaya ng pelikula ang existing box-office records na hawak ng Star Cinema?

Kung tutuusin, ang pelikula ni Dennis Trillo at idinirek ni Joel Lamangan ay hindi lamang para sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kundi para sa pangkalahatan.

Kean gusto nang pakasalan si Chynna Ortaleza

Personal na pinabulaanan ng Calla Lily frontman na si Kean Cipriano na aalis na siya sa kanyang kinabibila­ngang banda dahil mas gusto niyang paboran ang kanyang pagiging isang actor. Ayon sa singer-actor, mananatili siya sa kanyang band na magsi-celebrate ng kanilang ika-sampung taon with a new album na nakatakdang ipalabas sa buwang ito.

Samantala, alam ng lahat na ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ang nobya ng singer-actor at napapag-usapan na umano nila ang tungkol sa kasal na maaaring mangyari sa malapit na hinaharap.

Alonzo hindi maharap ang teleserye dahil sa dala-dalawang pelikula

Ngayong tapos na ang principal photography ng horror-comedy movie na Wang Fam na tinatampukan ng tambalan nina Andre Paras at Yassi Pressman kasama sina Pokwang, Alonzo Muhlach, Benjie Paras, at iba pa na idinirek ni Wenn Deramas, nagsimula na ring mag-shooting ang bagong Child Wonder na si Alonzo sa Beauty and the Beastie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin kung saan din kasama ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Ito’y mula pa rin sa direksiyon ni Wenn Deramas at kalahok sa darating na MMFF.

Pahinga muna si Alonzo sa paggawa ng te­leserye dahil sa dalawang pelikulang pinagkakaabalahan nito labas pa rito ang kanyang mga product endorsements at personal appearances.

Pero gaano mang ka-busy ang five-year-old na si Alonzo ay hindi pa rin nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa La Salle Greenhills kung saan ay nasa kinder na siya.

Ibinalita sa amin ng top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario na sa January 2016 na umano sisimulan ang shooting ng launching movie ng bunso ni Nino Muhlach.

Luis at Billy matindi na ang kumpetisyon

Mukhang may kakumpetensya na si Luis Manzano sa pagiging in demand TV host sa Kapamilya Network in singer-actor-turned TV host na si Billy Crawford.

Walang kuwestyon na isa si Luis sa mahuhusay na male TV hosts ng ABS-CBN at patunay dito ang kanyang iba’t ibang hosting jobs kasama ang daily game show na Kapamilya: Deal or No Deal, The Voice Kids, at The Voice of the Philippines at maging sa Sunday musical variety show na ASAP.

Kung busy si Luis sa paghu-host sa iba’t ibang programa, hindi rin nagpapahuli ang kaibigan niyang si Billy dahil bukod sa daily na noontime show na It’s Showtime ay may dalawa pa siyang lingguhang programa, ang Your Face Sounds Familiar tuwing Sabado at Linggo at ang bagong simulang Celebrity Playtime na napapanood tuwing Sabado.

vuukle comment

ACIRC

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANDRE PARAS

ANG

BEAUTY AND THE BEASTIE

BENJIE PARAS

BILLY CRAWFORD

CHYNNA ORTALEZA

LUIS

WENN DERAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with