^

PSN Showbiz

Hindi na kalat ang nostrils hunk actor nagparetoke, ipinagaya ang ilong ng idol

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Marami ang nakapansin na malaki ang pinagbago ng mukha ng male hunk na ito nang minsang mag-guest sa isang celebrity talk show.

Matagal din kasing hindi lumabas sa TV ang naturang male hunk pagkatapos na matsugi ang drama series kunsaan isa siya sa supporting cast.

Noong una ay hindi matukoy ng aming source kung ano ang nabago sa mukha ng male hunk hanggang sa i-Google nito ang photos ni male hunk noong sumasali pa lang siya sa isang reality contest.

Nakita niya na nagpatangos pala ng ilong ang male starlet kaya malaki ang pinagbago ang mukha nito.

“In fairness, mas gumuwapo siya noong tuma­ngos ang ilong.

“Okey naman na ang mukha niya noon kaso base sa mga lumang photos niya, kulang sa tangos ang ilong niya. Walang itong bridge at kalat ang nostrils niya.

“At least nagawan ng paraan dahil nag-iba ang muk­ha niya. Sana makatulong ang pagpapata­ngos ng ilong niya sa career niya, ‘di ba?” sey pa ng source namin.

Nalaman din ng aming source na obsessed daw ang male hunk sa mukha ng isang sikat na drama actor. Ang ilong daw nito ang pinagaya sa kanyang plastic surgeon.

“Actually noong nag-audition ang batang ‘yan noon sa reality show, inamin naman niyang idol niya ang sikat na drama actor. Kaya siguro noong makaipon siya, ilong agad ng idol niya ang una niyang pinagaya.”

Wish lang nila na huwag maging adik sa pagpaparetoke ang male starlet.

“May iba kasi diyan, nagsimula sa ilong hanggang buong mukha na ang pinaayos. Hindi mo na sila tuloy makilala.

“Kaya sana hindi masyadong obsessed sa mukha ng kanyang idol ang male hunk na ito,” pagtatapos ng aming source.

                                             

vuukle comment

ACIRC

ANG

GOOGLE

HUNK

ILONG

KAYA

MALE

MARAMI

MUKHA

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with