^

PSN Showbiz

Jennylyn ipinagsigawan ang pagiging bakante at single

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano nga kaya ang real score between co-stars of My Faithful Husband na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado matapos mapabalita na tila nagkakalabuan umano ngayon ang dalawa kahit wala pang opisyal na pag-amin na sila’y muling nagkabalikan?

Sa presscon ng The PreNup na pinagbidahan nina Jennylyn and Sam Milby mula sa direksiyon ng award-winning director na si Jun Lana, inamin ni Jennylyn na siya’y single and ready to mingle kaya tila nabuhayan ang kanyang co-star na si Sam. 

Aminado si Sam na anim na taon na siyang single matapos silang maghiwalay ni Anne Curtis na masaya na ngayon sa piling ng nobyo nitong si Erwan Heussaff.

Sa kabila na kanyang estado, wala ring bagong napupusuan ang Kapamilya actor na si Sam.

Sa case ni Jennylyn, na-discover niya ang pagiging mabait at down to earth nito.

Kung saan man hahantong ang pagkakaibigan nina Sam at Jennylyn ay hindi nila pareho masabi. Ang mahalaga ay naging magkaibigan sila dahil sa The PreNup na ang mga eksena ay kinunan pa sa New York, USA.

Alden at Yaya Dub may star na sa Walk of Fame 

Kasama pala sa mapapabilang at pa­pa­ra­ngalan sa Walk of Fame stars sa Eastwood City on December 1 ang pi­nakamainit na loveteam ngayon ng bansa, sina Alden Richards at Maine Mendoza na ang main mover ay walang iba kundi ang veteran TV host at Master Showman na si Kuya Germs (Moreno).

Kahit bago pa lamang ang AlDub, hindi maisa­santabi ang phenomenon na na-create ng kanilang tambalan na lalong tumingkad sa tulong ng tatlong komedyante ng Eat Bulaga  na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros na gumaganap na Lola Nidora, Lola Tinidora at Lola Tidora respectively.

Gloc-9 hindi pa maka-move on sa pagkamatay ni Kiko

Malaki ang impluwensya kay Gloc-9 (Aristotle Pollisco) ng namayapang Master Rapper na si Francis Magalona at tila umano nagunaw ang mundo para sa kanya nang pumanaw ang tinaguriang King of Rap.

Nagsimula ang pagiging close ni Gloc-9 kay Kiko (Francis M) nang mag-perform siya para sa birthday presentation ni Kiko sa Eat Bulaga nung ito’y nabu­buhay pa. Since then ay halos parating magkasama ang dalawa lalo na sa collaboration ng mga awiting ni-record ni Kiko under OctoArts International.

Nanghihinayang si Gloc-9 na hindi na naisaka­tu­paran ang concert na pagsasamahan sana nilang dalawa ni Francis M. 

Ganunpaman, mananatiling buhay ang mga alaala ni Kiko sa sikat na rapper na magkakaroon ng series of shows sa Music Museum sa lahat ng Sabado ng Oktubre (10, 17, 24 & 31) na pinamagatang Ang Kuwento ng Makata: Gloc-9 Live!

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

FRANCIS M

GLOC

JENNYLYN

KIKO

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with