^

PSN Showbiz

Pilot ng TV series tinutukan, Coco pinanabikan ng fans

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Tukoy na ang may-ari ng Mercedez Benz car na may plate number 8 na gumitgit kina Oyo Sotto, Kristine Hermosa at sa kanilang tatlong anak habang pa­patawid sila ng kalsada sa Alabang, Muntinlupa City noong weekend. Kinukuyog na ng netizens ang driver ng sasakyan na nakunan ni Oyo ng litrato.

SCENE: Mataas ang rating ng pilot episode ng Ang Probinsyano noong Lunes. Nasabik kay Coco Martin ang teleserye viewers na matagal na hindi napanood sa TV ang lead actor ng Ang Probinsyano. Pumalo sa national TV rating na 41.6 ayon sa datos ng Kantar Media ang Ang Probinsiyano.

SEEN: Effective ang paggamit sa boses ni Fernando Poe, Jr. sa unang episode ng Ang Probinsyano. Television remake ang Ang Probinsyano ng blockbuster movie ni FPJ noong 1997.

SCENE: Ang mababaw na dahilan ni Sheryl Cruz na mahigpit ang security sa U.S. noong 2001 dahil sa 9/11 terrorist attack kaya hindi siya nakauwi sa Pilipinas nang mamatay noong October 2001 ang kanyang ama na si Ricky Belmonte.

SEEN: Mabibili sa National Bookstore ang Heneral Luna, The History Behind the Movie. Hango ang kuwento ng Heneral Luna sa The Rise and Fall of Antonio Luna, ang libro na katha ng biographer na si Dr. Vivencio Jose.

SCENE: Wala nang dahilan para makaharap nang personal ng Japanese porn star na si Maria Ozawa si Robin Padilla. Sapat na ang paghingi ni Ozawa ng paumanhin sa telebisyon dahil tinawag niya na unprofessional si Robin nang mag-back out ito sa Nilalang, ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na dapat na pagsasamahan nila.

SEEN: Ngayon ang opening day sa 200 nationwide theaters ng Etiquette for Mistresses, ang pelikula ng Star Cinema na comeback movie ni Claudine Barretto at tinatampukan din nina Kris Aquino, Iza Calzado, Kim Chiu, at Cheena Crab.

SCENE: Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Etiquette for Mistresses.

vuukle comment

ANG

ANG PROBINSIYANO

ANG PROBINSYANO

CHEENA CRAB

CINEMA EVALUATION BOARD

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

DR. VIVENCIO JOSE

FERNANDO POE

HENERAL LUNA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with