^

PSN Showbiz

Marami na raw nauna asawa ni Karylle nandiri sa bibig ni Vice!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Diring-diri raw si Yael Yuson sa ginawang lip service ni Vice Ganda sa asawa niyang si Karylle last Saturday sa  It’s Showtime. Ayon sa source, may nag-text daw kay Yael after na halikan ni Vice ang misis niya, yuck daw ang sabi ni Yael dahil ang dami nang mga ‘pumasok’ sa bibig ni Vice.

Hahaha. Gets agad ng iba siyempre kung ano ang ibig sabihin ni Yael.

Hindi masyadong maganda ang naging reaction ng karamihan sa ginawang pag-lips to lips ni Vice sa anak ni Zsa Zsa Padilla.

Claudine nagluluka-lukahan daw sa promo ng Etiquette?!

True kayang nagluluka-lukahan na naman si Claudine Barretto?

Isa sa pinag-uusapan ngayon ay ang ginawa umano niyang pag-eksena nang mag-guest sila sa ASAP nila Iza Calzado at Kim Chiu para sa promo ng Etiquette for Mistresses.

Pagdating daw kasi sa ASAP naka-red dress si Iza. So nag-emote si Claudine na red din ang gagamitin niyang dress. So nataranta raw ang staff. Buti na lang at mabait daw si Iza at nagkataon namang may dalang extra dress kaya hindi sila nahirapang pakiusapan ang aktres. Agad-agad daw ay nagpalit ito.

‘Yun naman daw sa isang eksena sa pool ay nang isuot ni Kim ang bathing suit bigla na lang daw nag-dialogue si Claudine bakit pinasuot kay Kim eh bibilhin niya.

Kahit daw ang biglang pagkakasakit ni Claudine nung minsan ay pinagtakhan ng mga kasama niya sa Etiquette of Mistresses pero dedma na lang daw.

Pero nag-dialogue daw si Kim na “’di ba ok lang siya (Claudine) kahapon, ngayon may sakit na siya.”

Ano kayang masasabi ni Claudine sa mga kuwento-kuwentong ito? Hmmm.

Basta ang mahalaga, natapos nila ang pelikula at palabas na ito bukas sa mga sinehan. At mahuhusgahan na kung hindi pa kumukupas ang husay ni Claudine sa aktingan.

Idinirek ito ni Chito Roño.

Mga pelikulang nanalo sa Berlin Filmfest babandera sa Pink Filmfest ng QC

Mapapanood sa Quezon City Pink Filmfest ang Berlin FILM Festival Prize winner. Yup, the QCIPFF closes the city’s Diamond Year Celebration with a landmark event na magbibigay ng mas mataas na pagkilala sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBT) community.

Ang Pink Festival ay gaganapin sa October 6 to 11, 2015 sa Gateway Cinema 1, Cubao, Q.C.

Naging bahagi ng 2015 film jury ng Berlin Film Festival ang Pink Festival Director na si Nick Deocampo. Particular siyang nakasali sa TEDDY Awards na dedicated sa pagpapalabas ng LGBT films.

Kaya naman mapapanood din ang TEDDY Best Film na Nasty Baby from U.S.A. bilang closing film sa October 11.

Ang iba pang Berlin prize winners na mapapanood ng local audiences ay ang El Hombre Nuevo/The New Man (Uruguay/Chile/Nicaragua) na nanalong TEDDY Best Documentary.

Ang opening ng festival ay ang hottest film in the LGBT film circuit, Dressed as a Girl (U.K.), kung saan present ang producer para personal na ipakilala ang pelikula. Mapapanood ito sa October 6 and 9.

Mapapanood din ang ibang Berlin entries tulad ng Kumu Hina (U.S.A.) and Jury prize na Stories of our Lives (Kenya/South Africa).

Last year’s edition featured Cannes prize winners kabilang ang controversial na Palme d’Or winner, ang lesbian film na Blue is the Warmest Color (France). Kasama naman sa mga Pinoy films na napanood ang Esprit de Corps, Esoterika Maynila, I Love You, Thank You, Pinoy Transking, habang ang selected films ay ang Julie from Cebu and Fil-Am film Shunned.

Mas meaningful ang celebration ng QC Pink Festival dahil sa pagkakapasa ng Gender Fair Ordinance na isang malinaw na ebidensiya na maganda ang future ng LGBT Quezon City na pinamumunuan ni Mayor Herbert Bautista.       

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PINK FESTIVAL

BERLIN FILM FESTIVAL

BERLIN FILMFEST

CLAUDINE

DAW

FILM

MAPAPANOOD

NBSP

YAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with