^

PSN Showbiz

Matapos mapahinga sa pagkanta Regine aminadong pumipiyok na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala pang mabanggit na guest si Regine Velasquez sa kanyang Regine at the Theater series of concert sa Solaire sa November 6, 7, 20, at 21. Pina-finalize pa ang guests niya, pero mas gusto ng kanyang fans na solo siyang performer at walang guest.

Ang galing ng ginawa ni Regine to promote her concert, nag-post siya ng video na kinakanta ang Halik ng Aegis Band na ka­sa­ma sa kanyang repertoire dahil sa Rak of Aegis at video na ki­nakanta ang Still Hurting from the musical The Last Five Years.

Lalo tuloy na-excite ang kanyang fans na mapanood ang concert na ang concept ay songs from the musical ang isasama sa repertoire. Five years nang pli­nano ni Regine ang ganitong concept, natagalan lang siyang gawin dahil wala silang mahanap na venue.

Sabi ni Regine, maraming musical plays ang nagawa na at maraming hit songs ang galing dito na may sariling audience. Right time na for her na gawin ang concept na tiyak maghi-hit hindi lang sa kanyang fans.

Produced ng PLDT Home ang concert kung saan si Regine ang endorser ng kanilang Regine series landline.

Inamin pala ni Regine na there was a time na nahirapan siyang kumanta at pumiyok pa nga siya sa isa niyang TV performance.

“But I’m okay now, I’m feeling better. Nahirapan akong kumanta dahil tumigil ako sa pagkanta. Now, I’m trying to do more singing,” sabi ni Regine.

Mayamang fan nina Alden at Maine kating-kati na rin makita ang mga idolo

Pinayuhan ni Ruby Rodriguez at nag-agree ang ibang dabarkads ng Eat Bulaga na hindi na i-share ni Alden Richards sa Aldub Nation ang letter sa kanya ni Maine Mendoza aka Yaya Dub. Lalo at naka-address ang letter kay Richard Faulkerson, ang real name ng aktor. Ibinigay ni Maine ang letter bago umalis sa mansion si Alden.

Pinost ni Alden sa Instagram (IG) ang envelope ng letter with his name on it at ang caption ay “Upon reading this letter, mas nakilala kita. You’re a beautiful person inside and out Meng. Maraming salamat sa message mo. TULOY ANG FOREVER!!!”

Dalawang events pa ang hinihintay ng AlDub Nation at isa rito ay ang airing ng second version ng McDo TVC nina Alden at Maine this Monday. Ang isa pa ay ang pagdating ni Bryan White, ang original singer ng God Gave Me You na itinuturing ng AlDub Nation na theme song ng dalawa.

Naaliw pala kami sa isang resident ng Ayala, Alabang na fan ng AlDub love team nina Alden at Maine. Aliw ang suggestions nitong sa Powerplant Mall, SM Aura mag-mall show si Alden para malapit. O kaya mag-fans day sila ni Maine sa Polo Club o sa Tagaytay Highlands para hindi crowded.

Katuwa rin ang tanong nito kung puwedeng bumili na lang siya at ang kanyang mga amiga from Ayala, Alabang ng tiket para makapanood ng live ng Eat Bulaga dahil mahaba raw ang pila sa Broadway Centrum.

Heart at Lovi hindi na nagsasapawan

Siguro naman ay wala nang magrereklamo sa fans nina Heart Evangelista at Lovi Poe na mas lamang ang eksena ng isa sa Beautiful Strangers. Pantay na kasi ang mga eksena ng dalawang aktres na napapanood. Pagdating sa ac­ting, walang lumalamang sa kanila at nakikitang nagbibigayan sila.

Naalala naming nabanggit nina Lovi at Heart na bago kunan ang confrontation scenes nila lalo na ‘pag may sampalan, nagyayakapan muna sila, pinag-uusapan ang eksena at nagkakaiyakan pa. Kaya ‘pag sumigaw ng “action” si director Joyce Bernal, handang-handa na ang dalawa.

vuukle comment

ACIRC

AEGIS BAND

ALABANG

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALDUB NATION

ANG

AYALA

EAT BULAGA

NBSP

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with