^

PSN Showbiz

Matapos ang pinagdaanan, Kris natuto nang sumurender kay God

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mamayang gabi ay magsisimula na ang aming pinakabagong programa na Tonight with Boy Abunda sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Tuluyan na ngang iniwan ni Kris Aquino ang panggabing talk show dahil sa lagay ng kanyang kalusugan. “It demanded a lifestyle change kasi ‘di ba dati proud tayo talaga na, wow! I was able to work a 20-hour day. Parang feeling mo napakalaking achievement not realizing the toll it’s taking on your body,” nakangiting pahayag ni Kris.

May bulung-bulungan na may personal na pinagdaraanan diumano ang Queen of All Media kaya kinailangang magbawas ng ilang trabaho. “I think tapos na kasi natuto na ‘kong mag-surrender kay God, mag-surrender sa Universe. I learned the Serenity prayer,” makahulugang pahayag ng aktres.

Kinumpirma rin ni Kris na matutuloy na ang pelikulang pagtatambalan nila ni Mayor Herbert Bautista para sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Mula sa working title na Mr. and Mrs. Split ay napalitan na raw ito ng Pamilyang Lab, Luv, Love ayon sa aktres. “Ayaw natin ng split sa Pasko, gusto natin love, love, love,” natatawang pahayag ni Kris.

Ito ba ang kauna-unahang pagkakataon na makakatambal ng aktres si Mayor Herbert sa isang proyekto? “I think so, I don’t know kung noong kabataan namin, we worked together pero parang feeling ko, ito talaga ‘yung first,” pagtatapos ni Kris.

Sarah gusto munang magtrabaho nang magtrabaho kesa pakasal kay Richard

Isa sa mga pinakasikat na anak ng artista sa social media ay si Zion na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Hindi raw pipigilan ni Sarah ang anak kung sakali mang gusto nitong mag-artista. “As long as he chooses to do that. If it is his choice to enter showbiz, I will support him. But I’ll make sure that he studies and he finishes his studies before entering showbiz. If he wants to enter showbiz on an early age, then I’ll just make sure he’s still focused sa studies niya,” bungad ni Sarah.

Kahit kabi-kabila ang ginagawang proyekto ng aktres sa Kapamilya network ngayon ay sinisiguro naman daw nitong hindi napababayaan ang anak. “I try to have like my own routine and that works for me, having a routine. I plan ahead and I make sure if I have work, I either bring Zion or I plan things ahead para alam kong makikita ko ‘yung family ko even though I’m busy with work,” pagbabahagi ni Sarah.

Samantala, matagal-tagal na ring nagsasama sina Richard at Sarah pero hindi pa rin daw nagpaplano na magpakasal ang dalawa. “Not anytime soon. I just want to continue performing and acting and dancing and singing,” giit ng aktres.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUT I

KRIS AQUINO

MAYOR HERBERT

MAYOR HERBERT BAUTISTA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MRS. SPLIT

PAMILYANG LAB

QUEEN OF ALL MEDIA

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with